PAMPANGA

Sapnu: STL di pa rin go?

DATELINE: Olivas

MATATANDAAN pinasuspende o pinahinto ni Pangulo Duterte ang lahat ng operasyon ng “entertainment games” sa bansa na nasa ilalim ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Ito’y dahil mayroon daw “Corruption” nangyayari sa PCSO???

At dahil sa sumbong, kaagad sinuspende ni Duterte ang operasyon ng Lotto, Small Town Lottery at iba pang entertainment games.

Pagkatapos ng tatlong araw, pagkatapos ang ginawang imbestigasyon sa PCSO wala naman nakitang Corruption umano. Kaya nag-operate na ulit ang Lotto samantalang ang STL operation ay suspendido pa rin.

Kaya naman simula ng sinuspende ni Pangulo ang STL operation maraming mga kababayan natin nagtatrbaho bilang collector ang naghihirap. Ito’y dahil ito lang alam nilang hanapbuhay bilang STL collector.

Karamihan o halos lahat ng mga collector ng STL na tanging hanapbuhay nila ito at naghihirap ngayon sila dahil nawalan silang trabaho.

Hindi lang mga STL collector ang nawalan ng trabaho maging ang mga nagtatrabaho sa mga establistamento nito.

Libo-libong mga nagtatrabaho sa STL ang nawalan ng ikakabuhay sa kanilang mga pamilya.

Ang kawawa ang mga STL collector na kokonting kinikita sa mangungubra ang nawalan ng ipapakain sa kanilang pamilya, ayon sa source ng Dateline.

Pati ang pag-aaral ng kanilang mga anak ay nahinto dahil hinto din ang kanilang trabaho, ayon sa source.

Sang-ayon sa isang STL collector, kami po maliliit ang lubhang tinamaan sa paghinto ng operasyon.

Buti pa nga iyong nasa PCSO ay ok lang kanila dahil malalaki naman ang kanilang kita o sahod kaya walang epekto sa kanila, ayon pa sa STL collector.

Sana naman daw pinag-aralan ni Pangulong Duterte ang ginawang nitong pagsuspende dahil kaming mahihirap na umaasa sa konting kita sa pangongolekta ng STL ang lubos na naapektuhan.

Kaming mga mahihirap ay lalong naghihirap sa ginawang pagsuspende ni Pangulo sa STL operasyon, pahayag pa niya.

Sana naman daw ay i-lift na ang suspension sa STL operation para naman kahit papaano sa kokonting kita namin mayroon maiuwi sa aming mga pamilya, sang-ayon pa sa kanya.

Maraming kababayan natin naghahapbuhay sa STL hindi lang sa Central Luzon maging sa ibang rehiyon ang kanilang alam na trabaho ay ang pangongolekta ng STL.

Sana nama daw ayon sa STL collector, i GO na ni Pangulong Duterte ang STL operation para sa kanilang mga pamilyang umaasa sa konting kita.


VIEW COMMENTS
DISCLAIMER:

SunStar website welcomes friendly debate, but comments posted on this site do not necessarily reflect the views of the SunStar management and its affiliates. SunStar reserves the right to delete, reproduce or modify comments posted here without notice. Posts that are inappropriate will automatically be deleted.


Forum rules:

Do not use obscenity. Some words have been banned. Stick to the topic. Do not veer away from the discussion. Be coherent. Do not shout or use CAPITAL LETTERS!

sunstar.com.ph