SECTIONS
Friday, September 20, 2019
PAMPANGA

Sapnu: Umaabot sa 1 milyon katao nawalan ng trabaho dahil sa STL

Dateline: Olivas

HINDI lang libo-libong Small Town Lottery (STL) collector ang nawalan ng hanapbuhay simula ng ipahinto ni Presidente Rodrigo Duterte ang operasyon ng STL.

Ito ang ipinahayag ng taga-pagsalita ng STL operators sa isang TV station kamakailan.

Sabi niya umaabot umano sa isang milyon collectors ng STL ang nawalan ng trabaho, kaya naman inaasahan nito na pahintulutan na ni Pangulong Duterte ang operasyon ng STL.

Sa Pampanga, ilang libong kababayan natin na STL collectors ang umaasa na maibalik na ang operasyon nito.

Marami sa kanila ang nahihirapan itaguyod ang kanilang mga pamilya dahil wala na silang ibang alam na hanapbuhay kungdi ang pangongolekta ng STL.

Iyong ibang anak nila nag-aaral ay nahinto na rin dahil wala na maibigay na pangbaon sa kanila.

Kung minsan nga, isang beses na umano sila kumakain sa isang araw dahil wala silang ibang mapasukan na trabaho.

Karamihan sa mga STL collector ay napag-aral at napagtapos nila ang kanilang mga anak dahil sa STL.

Ano na kaya ang magiging kahinatnan ng mga STL collector kung suspendido pa rin ang operasyon nito??? Nagtatanong lang po...

Sila'y ba papasok sa iligal na trabaho para may mapakain sa kanilang pamilya??? Nagtatanong lang po....

Hanggang kailan kaya pasususpendi ni Pangulong Duterte ang STL operation???

Quarry Fees tumaas???

Kamakailan, itinaas ng Pampanga Provincial Government ang quarry fees.

Kaya naman umangal at nagreklamo ang mga quarry operator dahil sa biglaang pagtaas binabayaran nilang quarry fees.

Hindi naman daw tumaas ang singil nila sa buhangin na ibinebenta nila.

Sa pag-upo ni Governor Dennis Pineda umano'y tumaas ang quarry fees. Bakit kaya? Nagtatanong lang po.



VIEW COMMENTS
DISCLAIMER:

SunStar website welcomes friendly debate, but comments posted on this site do not necessarily reflect the views of the SunStar management and its affiliates. SunStar reserves the right to delete, reproduce or modify comments posted here without notice. Posts that are inappropriate will automatically be deleted.


Forum rules:

Do not use obscenity. Some words have been banned. Stick to the topic. Do not veer away from the discussion. Be coherent. Do not shout or use CAPITAL LETTERS!

sunstar.com.ph