SECTIONS
Thursday, September 19, 2019
PAMPANGA

Sapnu: Wala pa rin aksyon sa mga E-trike naglipana sa lungsod

DATELINE: Olivas

LALONG dumarami ang mga E-Trike na parang kabuteng nagsulputan sa City of San Fernando.

Ito ang na-obserbahan ng Dateline, na kung saan kahit saan ka tumingin mayroon ka makikitang pumapasadang mga E-Trike.

Sa mga major road (Mc Arthur highway at Jose Abad Santos Avenue) makikita mong bumabagtas ang mga E-Trike umaga’t o gabi.

Ginawa na nilang mga jeep na pumapasada sa kahabaan ng mga major road sa lungsod.

Malimit makikita mo ang mga E-Trike na halos puno ang ito ng pasahero na naghahatid kung saan saan barangay sa lungsod.

Umaabot pa nga ng hanggang Barangay Sindalan pumapasada ang mga E-Trike.

Wala pang kinauukulan na nagbabawal o sumisita sa mga E-Trike kaya naman lalong dumami ang mga ito sa lungsod.

Nang tanungin ng Dateline ang LTO kung bakit hindi nila sinisita ang mga pumapasang E-Trike, e sabi nila ang City of San Fernando government daw ang may karapatan sumita sa mga ito.

Ang masaklap nito, hindi nakarehistro ang mga E-Trike at walang mga lisensya ang mga drayber nito.

Dati ang mga ito sa shoulder ng highway sila dumadaan pero noong nakaraang Miyerkules, nakita mismo ng Inyong Lingkod na nakikipagkarera pa sa mga behikulo.

Sa mga sumasakay naman sa mga E-Trike, sana pag-isipan ninyo na walang mga lisensya ang mga drayber nito at hindi pa ito nakarehistro.

Kung mayroon mangyari sa inyo... Sino kaya ang sasagot??? Nagtatanong lang po...

Walang pakialam ang drayber ng E-Trike kung maaaksidente ito sa pakikipagkarera sa mga behikulo.

Kung tutuusin mahigpit na pinagbabawal ang tatlong gulong na sasakyan pumasada o dumaan sa mga major road. Ang mga ito dapat nasa barangay lamang o subdivision pumapasada.

At tutuusin maging ang mga motorized tricycle pinagbabawal din ang pagdaan o pumasada sa mga major road....

Hihintay pa ba natin po na mayroon mangyari masama o maaksidente ang mga pasahero ng mga E-Trike bago tayo gumawa ng AKSYON.


VIEW COMMENTS
DISCLAIMER:

SunStar website welcomes friendly debate, but comments posted on this site do not necessarily reflect the views of the SunStar management and its affiliates. SunStar reserves the right to delete, reproduce or modify comments posted here without notice. Posts that are inappropriate will automatically be deleted.


Forum rules:

Do not use obscenity. Some words have been banned. Stick to the topic. Do not veer away from the discussion. Be coherent. Do not shout or use CAPITAL LETTERS!

sunstar.com.ph