Sapnu: Pagpuwesto sa PNP naging kontrobersyal

NAGIGING kontrobersyal na ang pagkuha ng magandang puwesto sa Philippine National Police (PNP).

Ito ang napag-alaman ng Dateline sa mga senior police officer kung bakit hanggang ngayon di pa rin sila nakakaupo sa mga magagandang puwesto.

Di pa rin nawawala ang "bata-bata" system dahil lahat ng mga nakaupo ngayon sa mga provincial at city offices ay "bata" umano ng PNP higher-up.

Napakasaklap naman ang nangyayari sa mga Senior Police Officer sa pag-uupo sa mga provincial at city police offices.

Wala ng ginagawang proseso ang PNP higher-up sa pag-uupo sa mga magagandang puwesto, ayon sa police officer.

Kahit magaganda ang mga accomplishment ng isang senior police officer, hindi pa rin nagiging basehan ang ito kung karapat dapat itong maupo bilang provincial o city police director.

Ina-appoint na lang PNP higher-up ang ibig nitong maupong bilang provincial o city police director.

Hindi na dumadaan sa tamang proseso sa pagpili dahil wala ng yata ang PNP Placement for Senior Police Officers Board na kung saan dito pinipili ng mga miyembro ng Committee kung sino ang dapat maupo sa provincial o city police offices.

Nawalan na rin papel o karapatan ang local government units (LGUs) mamili kung sino ang ibig nitong maging Provincial o City police director.

Hindi kagaya noong araw, ang mga gobernador o city mayor ang mamimili ng kanilang provincial o city director.

Dati kasi nagsusumite muna ang PNP regional director sa mga lgus ng limang senior police officer na maaari nitong piliin.

E ngayon ina-appoint na lang ang kanilang mga "bata" sa mga magagandang puwesto.

Ang kawawa iyong mga senior police officer na hindi nila "bata" naiiwan sa ere na kung saan mas Qualified ang mga ito sa nasabing PNP office.

Hanggang kailan kaya mababago ang sistema ng "bata-bata?" Lalong na low morale ang ibang senior police officer na mas senior pa sa mga nakaupo? Nagtatanong lang po...

Trending

No stories found.

Just in

No stories found.

Branded Content

No stories found.
SunStar Publishing Inc.
www.sunstar.com.ph