Sapnu: Directors ng city police office at provincial police office nakatakdang palitan?

INAASAHAN na dalawang police director sa Central Luzon ang mapapalitan nitong September.

Ito ang napag-alaman ng Dateline na kung saan, mayroon na raw lumalakad na mga police colonel sa pag-relieve sa dalawang police officers.

Karamihan sa mga police colonel naglalakad na sa PNP National Headquarters sa Camp Crame, Quezon City upang masama sila sa maaaring piliin ng local government unit sa mababakanteng police offices.

Kung sino sino na ang kanilang nilalapitan matataas na police officers sa Camp Crame upang masama lamang sa listahan ng mga kandidato sa mababakanteng puwesto.

Iyong iba nga mga Police Colonel naghahanap ng malalapitan kamag-anak ni PNP Chief Police General Oscar Albayalde para lamang mabanggit ang kanilang pangalan.

Malaking adbantahe sa police colonel kapag naibulong ang pangalan niya kay Albayalde.

Bukod sa Camp Crame, kung sino sino din ang kanilang nilalapitan na local government unit kagya ng gobernador at alkalde.

Matatandaan ang local government unit ay mayroon karapatan mamili kung sino ang ibig nitong maging police director.

Sang-ayon sa police officer, kasalukuyan hindi na raw nasusunod ang local government sa pagpili provincial director.

Ang nasusunod ngayon ay ang Chief PNP sa pagpili o kung sino ang gusto nitong maupo sa mga magagandang puwesto.

Kung baga ina-appoint na lamanng ang police colonel na gusto nitong maupo sa magagandang puwesto.

Sa September nakatakdang magretiro na serbisyo sa PNP si Police Colonel Narvin Mangune, city director ng Angeles Police.

Samantalang ang Bataan police director ay nakatakda din palitan sa hindi malaman na dahilan.

Sino kaya mga police colonel maswerte makakaupo sa dalawang mababakanteng police offices?

Trending

No stories found.

Just in

No stories found.

Branded Content

No stories found.
SunStar Publishing Inc.
www.sunstar.com.ph