Sangil: Let's talk about population

BELIEVE it or not. This was in 1975. Me and my friend Dan Tinio, then president of the Angeles based Vinta Wood Enterprise, came from a meeting in a Makati Hotel and were on our way back to Angeles City. Somewhere along the Guadalupe area of the Edsa, the traffic was unusually heavy. I remember telling Dan, who was also then regional governor of Philippine Chamber of Commerce and Industry, that if no dramatic measures will be instituted, Metro Manila will be paralyzed. May I ask? Tama ba ako? I even wrote my observations then about the traffic conditions in a column in one newsweekly.

I keep saying this. When not broken, don't fix it. If I recall it right, it was also in the mid-seventies when President Marcos created by virtue of a presidential decree the creation of the Ministry of Human Settlement. And it was coupled by an executive order that henceforth, no more industries to be established in the Metro Manila area but all should be located 80 kilometers outside of the metropolis.

The fundamental purpose is to decongest Metro Manila and spread progress in the countryside and to halt the migration of people from provinces. But what happened next was that when the Aquinos came to power after Marcos was driven away from the palace and lived in exile in Hawaii, the Ministry of Human Settlements was scuttled and shoved to the dustbin of memories.

Let's get back to what I wrote some years ago in Pilipino "Ang bilis lumago ng populasyon ng bansa ng Pilipinas. Noong 2014 may 100 milyong mamayan ang ating maliit na bansa. (Sa ngayon may 108 milyon na tayo. At mahigit sa kalahati nito ay maituturing na mahirap.

"Nitong darating na taon ay mahigit na isang milyon na naman ang daragdag sa mga mamayang Pilipino. Pangalawa tayo sa Indonesa sa pinakamalaking populasyon dito sa South East Asia. Baka maitanong ninyo ano ba ang kahulugan ng paglago ng populasyon sa pagsulong ng isang bansa. Pwede nating ihambing sa isang pamilya. Dati rati ang isang pamilyang may apat ang anak ay may kaginhawaan dahil sapat ang kaniyang kinikita para tustusin ang mga pangangailangan nito. Sapat ang pagkain, naiayos bahay at napapaaral ang mga bata at may natitira pang ipon para mga hindi sinasadyang pangangailangan kamukha ng pa-ospital kung magkakaroon ng karamdaman ang sino mang miyembro ng pamilya.

"Pero kung walang kontrol at ang alituntunin ng magulang (gobyerno at simbahan) ay 'the more, the merrier,' tiyak maghihikahos ang pamilya. Kukulangin sa mga pangangailangan at magka-ganoon magiging madalas ang gusot at away sa mag-anak. Tignan ninyo ang mga informal settlers sa buong ka Maynilaan. Sa gilid ng estero at karsada nakatira. Where is the Ministry of Human Settlements?

"Kahit gaano kagaling ng mga economic managers ng isang pamahalaan, hindi mapapaunlad ang isang bansa habang walang programa ito laban sa pag lobo ng populasyon. Ilang trilyong piso na nga ang budget kada taon, pero kinukulang pa ito sa mga basic services para maihandog ng gobyero sa kaniyang mamamayan. Isipin ninyo na lang na kung isa at kalahating milyon ang madadagdag, eh di sumakatuwid kailangan ng mga bagong silid aralan , district hospitals, karsada, piyer, paliparan at iba't iba pang mga obras publikas.

"Sa ngayon nga, may maraming pang pook sa iba't ibang dako ng kapuluan ang kulang na kulang sa mga silid aralan. Dalawang bata sa isang silya. Isang simpleng tulay na dudugtong sana sa magkabilang pampang para ang mga bata ay hindi tatawid sa rumaragasang tubig na dala ng ulan. Iyan po ay pinakikita sa mga documentaries na napapanood natin sa telebisyon. Kaawa-awang mga Pilipino.

"Mahirap panguluhan ang isang bansa. Ito siguro ang nararanasan ng dating mayor ng Davao City naging Pangulong Rodrigo Roa Duterte. Maaring pagkatapos ng kaniyang termino, ay masasabi nating isa siyang 'Man of the Masses' gaya ni Ramon Magsaysay. Nilabanan ang paglaganap ng iligal na droga at korapsiyon sa kaniyang panahon. Subali't nagapi ba niya ang kahirapan? Maghintay ang sambayanang Pilipino. May nalalabi pang ilang taon si Pangulong Digong sa malaking bahay na nasa gilid ng ilog Pasig."

Trending

No stories found.

Just in

No stories found.

Branded Content

No stories found.
SunStar Publishing Inc.
www.sunstar.com.ph