PAMPANGA

Sapnu: Di na nasusunod ang seniority sa PNP?

Dateline: Olivas

LOW morale ang karamihan ng mga Police Colonel dahil hindi na nasusunod ang seniority sa kanilang hanay sa pag-upo sa mga magagandang puwesto sa PNP.

Ito ang nabanggit ng isang colonel sa Dateline na kung saan na dati ang mga seniority ang nasusunod pagdating sa pag-upo sa mga magagandang puwesto kagaya ng provincial at city police directors.

Nagsimula umano ito noong panahon ni dating Chief PNP Ronald “Bato” Dela Rosa na ngayon isang senador na ito.

Sang-ayon sa isang Colonel nang maupo umano si Bato di na nasusunod ang Seniority sa PNP sa pagpili o pag-upo sa magagandang puwesto sa PNP.

Ang nangyayari umano iyong lang mga “bata” nito ang karamihan na kanyang nauupo sa mga magagandang puwesto sa PNP.

Kung baga, ina-appoint na lang nito ang kanyang umano bata kahit ito’y Junior pa kaya nagiging kawawa ang mga Senior na tutuusin ay mahigit na qualified sa isang Junior Officer.

Maging ang mga local government units (LGUs) kagaya ng mga gobernador o alkalde ay wala na “say” kung sino ang kanyang ibig maging provincial o city police director. Hindi kagaya noon ang isang gobernador o alkalde ay bibigyan ng limang listahan ng mga Senior Police Officer (Colonel) na maaari nitong pagpilian.

Ito’y dahil ang ginagawa ng PNP headquarters sa Camp Crame ay mag-iisyu ng Order upang maupo umano ang kanilang mga “bata.”

Wala na rin “say” ang Senior Placement Board Committee ng PNP sa pagpili o pagrebisa kung sino sa mga Colonel ang mas-kualipikado sa kanila sa nasabing mga puwesto inaplayan nila.

Hanggang sa termino ni Chief PNP General Oscar Albayalde ganito daw ang sistema sa pag-upo sa magagandang puwesto sa PNP, ayon sa isang Colonel.

Sana daw ayon mga Colonel ibalik na ang dating proseso sa pagpili sa pag-uupo sa mga sensitive position sa PNP at masunod ang seniority.

Ano daw ibig sabihin ng PNP Transformation kung ganito ang sistema? Nagtatanong lang po sila.


VIEW COMMENTS
DISCLAIMER:

SunStar website welcomes friendly debate, but comments posted on this site do not necessarily reflect the views of the SunStar management and its affiliates. SunStar reserves the right to delete, reproduce or modify comments posted here without notice. Posts that are inappropriate will automatically be deleted.


Forum rules:

Do not use obscenity. Some words have been banned. Stick to the topic. Do not veer away from the discussion. Be coherent. Do not shout or use CAPITAL LETTERS!

sunstar.com.ph