PAMPANGA

Sapnu: Sangalang OIC ng Angeles City Police

MATATANDAAN maraming P/Colonel ang nag-aabang sa pag-retiro ni P/Col. Narvin Mangune, City Director ng Angeles City Police.

Buwan pa lamang ng Hunyo, ilang mga P/Col. ang naglalakad upang makuha nito ang o maupo ito bilang kapalit ni Mangune.

Mayroon na mga Col. ang naglalakad sa PNP National Headquarters sa Camp Crame upang masama ang pangalan nila sa listahan ng mga kandidato sa Angeles City Police.

At nang maupo na si Mayor Carmelo Lazatin Jr., mayroon na rin mga Col. ang lumapit kanya upang mapili bilang Angeles City Police director.

Nguni’t hindi umano nagbigay listahan ng mga maaaring piliin ni Mayor na maging City Police Director nito.

Kung tutuusin ang Local Government Units (LGUs) may “say” kung sino ang gusto nitong maging City Police Director. Sa kasalukyan hindi na nasusunod ngayon ang ganitong proseso sa pagpili, ayon sa mga police officer.

Kaya naman maraming police officers ang nagulat sa pag-upo bilang OIC si Col. Joyce Patrick Sangalang.

Ang sabi ko naman sa mga police officer karapat dapat lamang si Sangalang na maging OIC ng Angeles City police dahil “qualified” siya.

Sabi ko nga sa kanila “weather weather” iyan?

Si Col. Sangalang ay dating Commander ng Regional Mobile Force Battalion (RMFB3) sa Camp Olivas na kung saan halos isang taon na rin itong nagserbisyo.

Si Sangalang ay miyembro ng PNPA Kaagapay Class ’96.

Congrats sir!

Si Lt. Col. Donato Bait ang bagong upo Chief ng Regional Community Affairs and Development Division (RCAADD)

Naupo si Bait noong Septiembre 26 at pinalitan nito si Col. Oscar Jacildo na kung saan halos umabot ito ng tatlong taon sa RCAADD.

Congrats sir.


VIEW COMMENTS
DISCLAIMER:

SunStar website welcomes friendly debate, but comments posted on this site do not necessarily reflect the views of the SunStar management and its affiliates. SunStar reserves the right to delete, reproduce or modify comments posted here without notice. Posts that are inappropriate will automatically be deleted.


Forum rules:

Do not use obscenity. Some words have been banned. Stick to the topic. Do not veer away from the discussion. Be coherent. Do not shout or use CAPITAL LETTERS!

sunstar.com.ph