Sapnu: Sintin: Posadas PRO3 director?

KUNG hindi magbabago ang ihip ng hangin, si Brigadier General Joel Napoleon Coronel, PRO3 director ay aakyat upang makuha nito ang isa pa STAR.

Si Coronel ay Philippine Military Academy (PMA) Class '87 ay kinakailangan nito na makuha pa ang isang STAR.

Mistah ni Coronel sina Major Guillermo Eleazar, director ng National Capital Regional Police Office (NCRPO), at si Brigadier General Israel Eprahim Dickson, regional director ng Cordellera Police.

Sang-ayon sa Intelligence Officer (IO) ng Dateline, si Coronel ay malapit na umalis sa PRO3 upang masungkit nito ang isa pang STAR.

Sa unang linggo ng Oktobre lilipat na umano si Coronel kaya naman mayroon ng dalawang kandidato na maaaring pumalit sa kanyang puwesto.

Sina Brigadier General Alex Sintin at Brigadier General Ricthie Posadas ang kandidato sa pagka PRO3 regional director, ayon sa IO.

Sina Sintin at Posadas ay kapwa miyembro ng PMA Class '90. Sila ang matunog sa kasalukuyan para next RD ng PRO3.

Kapwa sila (Sintin at Posadas) naging Tarlac Police Provincial Office at inaasahan na maging Chief Directorate Staff sana ng PRO3 nang sila'y na-relieved sa kanilang puwesto pagkaraan matapos nila ang 2-year term.

Sina Retired Rudy Lacadin at Major General Amadeo Corpus, chief ng PNP Criminal Investigation Detection Group (CIDG), ay kapwa naging Provincial Director ng Tarlac Police.

Kaya naman inaasahan na isa kina Sintin at Posadas ang papalit kay Coronel...

Kung sino sa inyo sir ang makakuha as RD ng PRO3, congrats sir...

Trending

No stories found.

Just in

No stories found.

Branded Content

No stories found.
SunStar Publishing Inc.
www.sunstar.com.ph