Tell it to SunStar: Karanasan ng isang rebeldeng kabataan

Ang isang kabataan ay nararapat lang na magkaroon ng magandang kinabukasan. May karapatan ang mga ito na makapag-aral, makapagtapos, makatulong sa pamilya at mapaglingkod sa bayan.

Pero sa murang edad, hindi ito ang naranasan ni Datu Awing Apuga ng Ata-Manobo tribe mula sa Davao de Norte. Imbis na pagsusulat at pagbabasa ang inaaral, paghawak ng baril at pag-asinta sa target ang unang natutunan nito.

Sa paaralang Salugpungan na kanilang tinatawag, imbis na ang mga aralin ay tungkol sa Math, English at Filipino ang itinuturo, imperialism, feudalism at capitalism ang siyang isiniksik sa kaisipan ng mga kabataang may murang isipan.

Ito yung katotohanan sa karanasan ng ating mga kapatid na katutubo na inaalisan ng karapatan ng mga CPP-NPA na magkaroon ng payapa at maunlad na komunidad sa kanilang ancestral domains.

***

Base sa paglalahad ni Datu Awing, sinira ng mga komunistang rebelde ang totoong layunin at bisyon ng Salugpungan school sa kanilang komunidad.

Natatandaan niya kung paano nilinlang ng mga lider ng NPA (New People’s Army) ang kanilang komunidad sa pagsasabing sila ang totoong gobyerno na ipaglalaban ang kanilang mga karapatan at nangako na hindi lang sila tutulungan kundi bibigyan din ng edukasyon ang mga katutubong kabataan.

Anong klaseng edukasyon kaya ang ibinibigay ng mga komunistang rebeldeng ito? Kung pag-aarmas at pagtuligsa sa pamahalaan maging sa kapwa Pilipino ng mga ito, para sa akin, hindi edukasyon na maituturing ang gawaing ito.

Hindi lang kaisipan at damdamin ang pinaglaruan ng mga rebeldeng grupo na ito kundi pati mismo kultura at tahanan na kanilang pundasyon sa pagiging katutubo ay pinasok at ginawang guerilla bases ng mga armado.

Inilahad din ni Datu Awing na sa Salugpungan school, edad 6 hanggang 17 ang mga kabataang sinasanay ng mga rebeldeng armado para maging child warrior at kalabanin ang pamahalaan.

Trending

No stories found.

Just in

No stories found.

Branded Content

No stories found.
SunStar Publishing Inc.
www.sunstar.com.ph