PRO3 handang-handa na sa SEA games



MADALAS ang ginagawang pagpupulong ng Philippine National Police (PNP) at ibang ahensya kaugnay sa preparasyon sa Southeast Asian Games (SEA)/

Ito ang napag-alaman kay Brig. Gen. Joel Napoleon Coronel, Police Regional Office-3 (PRO3) sa isang panayam kamakailan.

Sang-ayon kay Coronel handang handa na ang PRO3 sa SEA games na gaganapin sa mga iba’t ibang lugar sa Central Luzon.

Umaabot sa 7,750 miyembro ng PNP at 1,000 miyembro ng Armed Forces of the Philippines ang magpapatupad ng security measures sa darating na SEA games sa Nobiyembre.

Ang mg ito ay idedeploy simula Nobiembre 10 sa mga limang lugar na gaganapin ang SEA games, ayon pa kay Coronel.

Gaganapin ang SEA games sa lalawigan ng Bulacan, Pampanga, Subic, Tarlac at Angeles City.

Ang pinakamalaking grupong PNP personnel babantayan ay ang sa Pampanga at sa Tarlac, ayon pa kay Coronel.

Ang opening ng SEA games ay sa Bulacan na kung saan doon gaganapin ang malaking aktibidades.

Malimit na maganap ang pagpupulong ng PNP at ibang concerned agencies kaugnay sa nalalapit na SEA games

Kaya naman ang mga Provincial Police Offices ng Bulacan, Pampanga, Tarlac, Subic at lungsod ng Angeles ay kanya-kanya din ang ginagawang paghahanda sa SEA games.

Sang-ayon kay Coronel tinitiyak nito na magiging maayos at mapayapa ang magaganap na SEA games sa bansa.

Trending

No stories found.

Just in

No stories found.

Branded Content

No stories found.
SunStar Publishing Inc.
www.sunstar.com.ph