Sapnu: Lifestyle check sa mga PNP?



NAGING isyu ngayon ang pag-check sa lifestyle ng mga miyembro ng Philippine National Police (PNP) makaraang nagkaroon ng kontrobersyal ukol sa illegal drugs.

Kung kaylan gagawin o ipatutupad ang lifestyle check hindi pa rin matiyak hanggang sinusulat ang kolum na ito.

Matatandaan noong panahon ng dating Chief PNP naging isyu din ang lifestyle check. Ito'y dahil sa mga senior police officer at hanggang sa patrolman hindi umano tugma sa suweldo nila ang kanilang lifestyle.

Matagal ginawa ang lifestyle check ng otorisadong ahensya upang tignan kung ang tugma ang suweldo ng isang PNP member sa kanyang lifestyle.

Subali't hanggang "Nigas Cogon" lamang ito dahil wala naman napatunayan sa mga PNP members na sobra sobra ang style ng kanilang pamumuhay.

Ni isang PNP member ay walang nasampahan ng kaukulang kaso sa ginawang lifetsyle check, ayon sa source ng Dateline.

Sa kasalukuyan, halos lahat ng mga PNP member ay mayroon silang sport utility vehicle dahil maaari silang mag-loan ng malaki.

Dito lang sa Police Regional Office III headquarters, halos lahat ng PNP member ay mayroon behikulo at mga bago pa.

Halos wala kanang maparadahan dahil sa mga behikulong nakaparada dito.

Kaya naman nitong pagsasagawa ng lifestyle check ulit. Mayroon na ba makakasuhan? Nagtatanong lang po.

Sino-sino ba ang dapat ma-lifestyle check? Iyong bang mga senior police officer o maging iyong simula sa may ranggong patrolman? Nagtatanong lang po.

Wait na lang po natin kung sino ang tatamaan sa lifestyle check.

Baka ito'y isang "ningas cogon" lamang? Nagtatanong lang po.

Trending

No stories found.

Just in

No stories found.

Branded Content

No stories found.
SunStar Publishing Inc.
www.sunstar.com.ph