PAMPANGA

Catap Lacson: Pangangalaga sa pamanang kultura

Providentia

KAHULUGAN ng Kultura: ito ay tumutukoy sa paraan ng pamumuhay na nakagawian ng tao. Kabilang dito ang sining, wika,musika at panatikan. Kasama rin ang paninirahan, pananamit, kaugalian, tradisyon at mga mahahalagang moral ng isang pangkat ng tao.

Bawat pangkat ng mga taong naninirahan sa isang bansa, bayan, pook o pamayanan ay may sariling kultura. Ang kultura, sa payak na kahulugan, ay ang sining, literatura, paniniwala, at kaugalian ng isang pangkat ng mga taong nananahanan sa isang pamayanan (Santiago, 1979).

Sinasabing ang kultura ng Pilipinas o kalinangan ng Pilipinasay pinaghalong impluwensiya ng mga katutubong tradisyon at mga kultura ng mga unang mangangalakal at mananakop nito noon (wikipedia).

Ang mga makabuluhang gawaing tulad ng musika, koro pag-awit, pagtugtog ng orkestrang kawayan, rondalla, pamanang sayaw, mga pista at rito, balagtasan, zarzuela, pagguhit o surat baybayin, at iba pa, ay nagpapatunay na ang kultura ay kakambal ng ating pagkatao at pagkakakilanlan bilang isang lipunan. Ito ay bahagi ng maraming gawi na humuhubog ng mga natatanging kaugalian, mga paniniwala, at mga tradisyon, ang isang bayan. Ang nga ito ang siyang sumasalamin sa ating buhay, ang mga ito ay ang paraan mg ating buhay.

Ang sining at kultura ng isang bayan o lalawigan ay siyang nagiging pagkakakilanlan ng isang komunidad, ng isang lahi. Makikita kung gaano kayaman at kayabong ang diwang makabayan at makasaysayan sa pamamagitan ng mga mahahalagang pangkulyurang kasanayan at kaalaman ang napapanatiling buhay sa pagsalin-salin ng maraming henerasyon.

Gaano man kayaman at kayanong ang kultura ng isang lipunan, maaaring manganib ito kung hindi ito patuloy na pagyayamanin, bibigyang halaga, at iingatan. Ang adbokasiyang pang edukasyon ay siyang susi upang patuloy na ating linangin at payabungin ang ating iniingatang kultura.

Bilang isang Pilipino, nasa atin ang tungkulin na bigyang buhay ang ating panunumpa, ang ating pangako na huwag pabayaan ang ating kasaysayan, ang ating wika, ang ating kultura. Tayo ang may responsibilidad na maipasa ito sa susunod na henerasyon, dahil kung tayo mismo ay titigil na tumangkilik, magbigay halaga, at maisadiwa ay kasama nating mamamatay ang mga magagandang kaugalian na ating minana sa ating mga ninuno. Kung kaya’t nararapat nating pananatilihing buhay ang ating mga kultura sapagkat dito nasasalig ang ating pagkakakinlanlan, kaisahan, kamalayan at kinabukasan.


VIEW COMMENTS
DISCLAIMER:

SunStar website welcomes friendly debate, but comments posted on this site do not necessarily reflect the views of the SunStar management and its affiliates. SunStar reserves the right to delete, reproduce or modify comments posted here without notice. Posts that are inappropriate will automatically be deleted.


Forum rules:

Do not use obscenity. Some words have been banned. Stick to the topic. Do not veer away from the discussion. Be coherent. Do not shout or use CAPITAL LETTERS!

sunstar.com.ph