Sapnu: Basag Kotse gang umatake na naman?

PALAPIT na ang Christmas at ang mga kawatan Basag Kotse Gang umatake na naman sa Pampanga.

Nitong nakaraang Biyernes, isang insidente ng Basag Kotse ang naiulat na nangyari sa Barangay Calibutbut, Bacolor town.

Ang biniktima ng mga kawatan ay si Jose Vidal, 49, resident ng Trinidad Village sa bayan ng Bacolor.

Si Vidal, barangay councilor ng Calibutbut, ipinarada ang kanyang Nissan Terra sa kahabaan ng Fil-Am road sa nabanggit na barangay.

Ang biktima ay dumalo sa isang hearing at nang kanyang balikan ang kanyang behikulo nagulat ito dahil basag na ang kanan bintana nito.

Tinangay ng miyembro ng Basag Kotse Gang ang black bag ni Vidal na kung saan naglalaman ng P35,000 cash, ATM, credit cards, East West bank check, duplicate key ng kanyang behikulo, at mga gamit.

Ang mga suspect tumakas patungong City of San Fernando.

Tuwing palapit na ang Christmas, ang insidente ng nakawan ay tumataas ang bilang, ito’y batay sa police report.

Kaya naman pinag-iingat ni Police Colonel Rhoderick Armamento, Deputy Regional Director for Operations ng PRO-3, ang mga may-ari ng behikulo na huwag mag-iwan ng mahahalagang gamit sa kanilang sasakyan upang hindi magkaroon ng pagkakataon ang mga miyembro ng Basag Kotse Gang.

Matatandaan ilang ng insidente ng Basag Kotse ang nangyari na sa Central Luzon.

Ilan ng insidente nangyari sa Angeles City, sa parking area ng isang mall sa City of San Fernando, Bulacan, at Nueva Ecija.

Iyong ibang naging biktima ay mayroon din Philippine National Police (PNP) members na kung saan ang kanilang isyu baril ay tinangay ng mga Basag Kotse.

Kinakailangan na police visibility dahil palapit na ang Christmas na nagiging malimit umatake ang mga kawatan.

Trending

No stories found.

Just in

No stories found.

Branded Content

No stories found.
SunStar Publishing Inc.
www.sunstar.com.ph