PAMPANGA

Sapnu: RPSMU/RAC building itatayo

Dateline: Olivas

NITONG nakaraang linggo, napag-usapan sa pagpupulong ng Philippine National Police (PNP) The Working Group at ng miyembro ng Police Regional Office (PRO)-Central Luzon Regional Advisory Council (RAC) ang pagtatayo ng gusali.

Ang gusali ay tatawagin RPSMU/RAC na itatayo sa loob ng Camp Olivas, Pampanga.

Ang RPSMU (Regional Police Strategy Management Unit) na pinamumunuan ni Major Emeritus Nunag at chairwoman naman ng RAC na si Angeles City Vice-Mayor Vicky Vega-Cabigting.

Noong Oktobre 16, ginanap ang pagpupulong sa PANA hall sa PRO-Central Luzon headquarters na kung saan ang mga dumalo ng RAC members na sina Cabigting, Ireneo Alvaro, isang negosyate; Rodolfo Santos, director ng National Police Commission (NAPOLCOM); Rey Malig at iyong lingkod.

Ang mga ibang opisyales na dapat kasama sa pagpupulong subalit sila’y hindi nakadalo dahil sa preparasyon ng mga ito sa darating na South East Asian Games na gaganapin sa Bulacan, Clark Green City at Subic Bay Metropolitan Authority.

Sina Brigadier General Joel Napoleon Coronel, PRO-Central Luzon director; Brigadier General Leonardo Cesneros, deputy regional director for administration; at Colonel Rhoderick Armamento, deputy regional director for operations ay “busy” na sa kanilang preparasyon sa SEA games.

Sa pamamagitan nina Vice-Mayor Cabigting at Alvaro matutuloy ang pagtatayo ng two-storey building ng RPMSU/RAC.

Nakausap nina Cabigting at Alvaro ang magbibigay ng pondo na si Partylist Congressman George Bustos.

Subalit maibibigay ni Bustos ang pondo sa 2021 pa. Kaya naman nagkusa na si Alvaro magbigay ng pondo sa itatayong gusali.

Napag-alamang aabot sa P8 million ang halaga ng gusali, wala pa doon ang mga kagamitan kagaya ng mga air-condition, mesa, upuan at iba pang gamit.

Inaasahan na maitatayo ang RPSMU/RAC building sa loob ng anim na buwan.

***

Binabati ng Dateline ang City of San Fernando sa pamumuno ni Mayor Edwin Santiago nang hinirang ang lungsod bilang Most Business-Friendly cities in the Philippines for this year by the Philippine Chamber of Commerce and Industry.

Congrats po, mayor!


VIEW COMMENTS
DISCLAIMER:

SunStar website welcomes friendly debate, but comments posted on this site do not necessarily reflect the views of the SunStar management and its affiliates. SunStar reserves the right to delete, reproduce or modify comments posted here without notice. Posts that are inappropriate will automatically be deleted.


Forum rules:

Do not use obscenity. Some words have been banned. Stick to the topic. Do not veer away from the discussion. Be coherent. Do not shout or use CAPITAL LETTERS!

sunstar.com.ph