Sapnu: Drug suspects i buy-bust?

SA PAG-UPO ni officer-in-charge Philippine National Police Lieutenant General Arhie Gamboa, inatasan nito ang lahat ng mga regional police director na tutukan ang mga drug suspects sa kanilang area of responsibility.

Ang ibig mangyari ni Gamboa lahat ng mga drug suspects sa mga rehiyon nasasakupan ng isang regional police director ay isagawa ang malawakang buy-bust operation.

Ito’y upang maaaresto lahat ng mga drug suspects sa kanilang area of responsibility.

Hindi naman inatasan ni Gamboa na dapat magkaroon ng armed encounter kung sakaling magsagawa ng buy-bust operation.

Maging ang mga drug suspects na mayroon mga warrant of arrest kailangan din arestuhin, ayon kay Gamboa.

Mula sa regional police director pababa hanggang chief of police ang inatasan ni Gambao na magsagawa ng malawakang kampanya laban sa illegal drugs.

Inaasahan ni Gamboa na madaling panahon lahat ng mga drug suspects sa area of responsibility ng mga Regional Police Director, Provincial Director at Chief of Police ay maaaresto ang mga ito.

Kaya ba ng PNP ang paghuli sa lahat ng mga drug suspects? Nagtatanong lang po...

Kung maraming mahuhuling mga drug suspects magkakasya ang mga ito sa mga provincial jails? Nagtatanong lang po...

*****

Binabati ng Dateline si Brigadier General Leonardo Cesneros bilang pagtalaga sa kanya officer-in-charge ng PRO-Central Luzon.

Si Cesneros ay concurrent din Deputy Regional Director for Administration.

Hanggang magreretiro si Cesneros sa Enero matalaga bilang OIC ng PRO-Central Luzon.

Itinalagang bilang OIC si Cesneros noong Oktobre 20 nang inilipat si Brigadier General Joel Napoleon Coronel as Director ng Criminal Investigation and Detection Group.

Congrats, sir Cesneros!

Trending

No stories found.

Just in

No stories found.

Branded Content

No stories found.
SunStar Publishing Inc.
www.sunstar.com.ph