Sapnu: Ipahinto ang kampanya sa droga?

MATATANDAAN nanawagan si Vice-President Leni Robredo sa Pamahalaan na ihinto na ang kontrobersyal kampanya nito sa illegal drugs.

Sa isang pahayagan sinabi ni Robredo na ang kampanya ng Pamalaan laban sa pinag-babawal na gamot ay wala pa rin nangyayari dahil ang suplay umano ng shabu ay hindi nababawasan.

At maging sa mga suspected drug pushers/users ay maraming napapatay ang PNP simula nang ipatupad ni President Rodrigo Duterte ang kampanya laban sa illegal drugs.

Sa seryoso kampanya laban sa illegal drugs ng Pamahalaan mukhang hindi nababawasan ang pagkalat ng shabu, ayon sa pahayag.

Sang-ayon naman kay Department of Interior and Local Government (DILG) Sec. Eduardo Ano, walang dahilan upang ihinto ng Pamahalaan ang kampanya nito sa illegal drugs.

Ang kampanya sa illegal drugs ay itutuloy at ang mga PNP ay susunod naman sa “rule of law,” ayon kay Ano.

Ang PNP ay irerespeto ang karapatan ng “human rights.”

Simula nang ipatupad ang kampanya sa droga ni President umaabot na sa 6,800 suspected shabu pushers/users ang napapatay sa “legitimate” buy-bust operations ng PNP, ayon sa report.

Sa mga Police Regional Offices (PRO) sa bansa, ang PRO3 ang pinaka-maraming “big accomplishments” sa illegal drugs.

Nangunguna noon ang Bulacan Police, pangalawa ang Nueva Ecija at pumapangatlo ang Tarlac sa “accomplishments” laban sa illegal drugs.

Kung mahihinto ang kampanya ng Pamahalaan laban sa illegal drugs, baka lumalala ang problem ang bansa, di po ba???

Baka hindi na mapigil ng Pamahalaan ang pagdami ng mga drug pushers/users kung ihinto ang kampanya sa droga. Di po ba???

E maging ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) wala na rin gagawin trabaho dahil hinto na ang kampanya ng sa illegal drugs.

At sa tingin ng mga Police Officers nakausap ng Dateline, e kapag inihinto ang kampanya ng Pamahalaan laban sa illegal drugs, e mamamayapag ang mga sangkot sa illegal drugs.

Kayo po ano ang reaksyon ninyo, kailangan ba ihinto ng Pamahalaan ang kampanya laban sa illegal drugs?

Trending

No stories found.

Just in

No stories found.

Branded Content

No stories found.
SunStar Publishing Inc.
www.sunstar.com.ph