Sangil: Pasyal, pasyal muna pag may time

MY FRIEND Martin Vitug just came from Boracay last week and attended a convention of water districts officials. Upon arrival in Clark, he posted on his Facebook account his dislike of what he saw in the much publicized Boracay. It was a front page news last Saturday in a national paper how pipes discharging untreated wastewater on the beach of this internationally known destination. It's not only endangering marine creatures but the island's poor water quality is not doing any good to swimmers. Sayang ang effort at gastos ng gobyerno diyan. Failure si Environment Secretary Roy Cimatu diyan, as far as I am concerned. There are better places more than Boracay. Another failure as far as I am concerned again is the Department of Tourism. No need to explain.

***

Let's revisit what I wrote some time ago. Summer Break. Bakasyon. Pasyal. Sa mga batang mag-aaral, ang ibig sabihin nito'y pahinga muna. Sa mga mayayaman, ibig sabihin biyahe sa ibang bansa. Mga barkada sa Wednesday Club iba't ibang destinations abroad ang patutunguhin. Pansinin ninyo na ang mga batang mag-aaral ngayon ay napakaagang gumising. Mayroon ngang alas kwatro pa lang ng umaga, na kung saan kasarapan ng tulog ng mga bata ay kailangan bumangon para maghanda papuntang eskwelahan. Kaya naman pagdating ng summer, bakasyon grande. Panahon ng pamamasyal sa mga malls, sa swimming pools o pagbisita sa ibang lalawigan. Magtiyaga lang sa traffic. Baguio or Tagaytay can't solve their respective traffic problems.

> So let's go abroad. Sa mga maykaya talaga, panahon ito para sa biyahe abroad. Sarap mag lamierda sa ibang bansa. Simba sa St. Peter's basilica sa Varican at tuloy sa mga food trips sa mga sidewalk restaurants sa may Rome, Italy. O dili kaya pasyal sa Paris. Mamangha sa Versailles garden. Libot sa Louvre museum at mapapanga sa mga rebultong dinukit sa kamay na kung ilang daang taon ng lumipas. Mga paintings ng mga masters na katulad nila Leonardo de Vinci at Van Gogh.

O di kaya pasyal sa Estados Unidos, kung may visa ka, at tinangihan ka ng embahada pagkatapos kunin ang nine thousand mo. Kumain ng mga masasarap na pagkain sa may Fisherman's Wharf sa city by the bay, ang San Francisco. O kaya pasyal sa Las Vegas at libutin ang mga naglalakihang hotels at casinos. Kung kaya pa ng budget lipad papuntang New York at maglibot sa may Manhattan area, at manood ng mga broadway shows. Sarap buhay.

Sa may kokonting kakayanan, lalo na yaong mga tiga gitnang Luzon, maghintay ng mga promo ng mga airlines at pasyal sa malapit sa atin gaya ng Hong Kong, Macao, Taiwan o kaya sa may Kota Kinabalu. Wala na nga lang masyadong murang bilihin diyan sa Hong Kong. At kung sadya naman ninyo talaga ay mamili ng damit at gamit, biyahe kayo sa Bangkok, Thailand. May kamurahan doon, o dili kaya kuha kayo ng visa para sa Zuhai, China at tawid lang kayo ng isang bloke kung kayo ay nasa Macao. Maraming overruns na signature brands. Pero mas mura pa sa Divisoria ang mga bilihin doon at magaganda rin naman.

Sa mga senior citizens na hindi na kakayanin ang mga malalayo at nakapagod na biyahe, dito na lang sa ng Pampanga at sa karatig nalalawigan ng Bulacan, Bataan at Tarlac. Maraming pwedeng pasyalan dito.

Diyan sa Clark Freeport, nandiyan ang Fontana na napakaganda ng pool park, Sunvalley at Mimosa. Sa Bataan, mayroon silang Siinagtala na alagang alaga ng kaibigang Tong Payumo. Sa Bulacan, pasyalan ang Pandi at Pantabangan. Sa Tarlac, magmuni-muni sa Monasteryo.

Huwag na lang magmumukmok sa bahay. Lalo kayong tatanda diyan. Pasyal, Pasyal pag may time.

Trending

No stories found.

Just in

No stories found.

Branded Content

No stories found.
SunStar Publishing Inc.
www.sunstar.com.ph