PAMPANGA

Sapnu: Maraming katanungan sa pag-upo ni PBGen Sermonia

Dateline: Olivas

NOONG Martes, November 5, maraming nagtaka at hindi nila inaasahan ang biglaang pag-upo ng Police Regional Office (PRO)-Central Luzon director.

Maraming police officers ang nakausap ng Dateline, na kung saan kahit sila ay nagulat sa biglaang pag-upo ni Brigadier General Rhodel Sermonia.

At take note, itinalaga siya kaagad as acting regional director ng PRO-Central Luzon.

Kung inyong matatandaan, wala sa listahan o kandidato as PRO-Central Luzon director si Sermonia.

Ang matunog at inaasahan na maaaring pumalit kay Brigadier General Joel Napoleon Coronel makaraang siya ay itinalaga bilang Director ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa Camp Crame, Quezon City ay sina Brigadier General Richie Posadas, Alex Sintin, at Ronaldo Llanera ang balitang balita na maaaring pumalit kay Coronel.

Pagkatapos noong nakaraang Linggo, si Brigadier General Crizaldo Nieves ang matunog na matunog na next PRO-Central Luzon director.

Mayroon ngan lumabas sa mga pahayagan nasyonal na si Nieves na ang next PRO-Central Luzon.

Nguni’t biglaan ang naging desisyon ng higher-up ng Philippine National Police (PNP) at si Sermonia ang nilabasan ng “order” upang maging acting regional director ng PRO-Central Luzon.

Kaya naman karamihan ng mga police officers nakausap ng inyong lingkod ay nagulat sa biglaang turn-over noong Martes.

Sabi nga nila (mga police officers) sa inyong lingkod, ang pagkaalam nila hanggang sa Enero 8 si Brigadier General Leonardo Cesneros sa pagkakatalaga nito bilang officer-in-charge (OIC) ng PRO-Central Luzon.

Sa pagkakaalam ng mga police officers itinalaga ni OIC PNP General Archie Gamboa si Cesneros bilang OIC ng PRO-Central Luzon at sabi umano hanggang sa Enero 8 sya.

Umabot lamang dalawang linggo si Cesneros as OIC kaya naman maraming nalungkot na mga police officer sa biglaang turn-over noong Martes.

Bakit nga kaya di siya pinagbiyan ni OIC Gamboa hanggang magretiro sa Enero 8 si Cesneros? Nagtatanong lang po...

Ok na raw sana si Cesneros, ayon sa mga police officers. Bakit nga kaya nagkaroon ng pagbabago? Nagtatanong lang po...


VIEW COMMENTS
DISCLAIMER:

SunStar website welcomes friendly debate, but comments posted on this site do not necessarily reflect the views of the SunStar management and its affiliates. SunStar reserves the right to delete, reproduce or modify comments posted here without notice. Posts that are inappropriate will automatically be deleted.


Forum rules:

Do not use obscenity. Some words have been banned. Stick to the topic. Do not veer away from the discussion. Be coherent. Do not shout or use CAPITAL LETTERS!

sunstar.com.ph