PAMPANGA

Sapnu: Pagbalasa sa mga PD/CDs mangyayari ba?

DATELINE: Olivas

SA PAG-UPO ni Brigadier General Rhodel Sermonia bilang acting police director ng Police Regional Office (PRO)-Central Luzon, magkakaroon kaya ng malawakang balasahan sa hanay ng mga provincial at city police directors?

Ito ang malaking katanungan ngayon, dahil kapag bago ang uupong PRO-Central Luzon director ay inaasahan na ang pagbalasa sa mga provincial at city police directors.

Matatandaang naupo si Sermonia noong Nobyembre 4 na kung saan mismong si Lieutenant General Archie Gamboa, Philippine National Police (PNP) officer-in-charge (OIC).

Si Gamboa ay italagang PNP OIC dahil nang magretiro ang dating chief PNP General Oscar Albyalde ay siya muna ang inuupo ni Pangulong Rodrigo Duterte pansamantala dahil wala pa itong napipili.

At hanggang ngayon wala pang napipiling next chief PNP ang Pangulo. Bakit kaya? Nagtatanong lang po.

Balik po tayo sa balasahan na maaaring ipapatupad ni Sermonia dahil ito ang karaniwan ginagawa ng mga bagong upong PRO3 director.

Sa turn-over ceremony, lahat ng mga provincial at city police directors sa Central Luzon ay nagpakita o dumalo upang magpakita kay Sermonia na sila ay sumusuporta sa kanya.

Sabi nga ng mga police officer nakausap ng Dateline, lahat ng mga provincial at city police directors ay kanya-kanyang lakad sila upang di masama sa balasahan kung mangyayari ito.

Nitong nakalipas na ilang linggo, karamihan daw sa mga provincial at city police directors ay mayroon na ring naglakad sa National Headquarters sa Camp Crame, Quezon City.

Mayroon din sa kanila ang lumapit ulit sa kanilang mga gobernador upang basakali mapakiusapan ang bagong PRO-Central Luzon acting director na matapos ang kanilang two-year term bilang provincial at city police directors.

Hanggang sa kasalukuyan, wala pa rin balasahan sa hanay ng mga provincial at city police directors ito’y dahil sa nalalapit na SEA games sa Central Luzon partikular sa lalawigan ng Pampanga, Capas Tarlac, Subic Bay Freeport at Bulacan.

Sang-ayon sa police officer, malamang pagkatapos ng SEA games inaasahan na ang pagbalasa gagawin ni Sermonia.

Sino-sino kaya sa provincial at city police directors ang tatamaan na gagawin balasahan ni Sermonia? Nagtatanong lang po...

***

Kamakailan, pinalitan na si Colonel Kerby Kraft, regional commander ng Highway Patrol Unit (HPU)-Central Luzon at si Lieutenant Colonel Carlito Narag Jr., ang naupo bilang OIC.

Simula nang maupo si Narag, marami na itong pagbabago ang kanyang ginawa at marami din mga accomplishment.

Welcome sa Central Luzon at congrats!


VIEW COMMENTS
DISCLAIMER:

SunStar website welcomes friendly debate, but comments posted on this site do not necessarily reflect the views of the SunStar management and its affiliates. SunStar reserves the right to delete, reproduce or modify comments posted here without notice. Posts that are inappropriate will automatically be deleted.


Forum rules:

Do not use obscenity. Some words have been banned. Stick to the topic. Do not veer away from the discussion. Be coherent. Do not shout or use CAPITAL LETTERS!

sunstar.com.ph