PAMPANGA

Sapnu: Wala ng casualties sa kampanya sa droga

Dateline: Olivas

NANG maibigay kay Vice President Leni Robredo ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kampanya laban sa droga, wala ng inire-report na casualties.

Ito ang naobserbahan ng Dateline, dahil nitong nakalipas na ilang linggo wala ng inirereport ang lahat ng mga provincial at city police director sa Police Regional Office III.

Hindi kagaya noon hindi pa chair ng ICAD si Robredo halos kada araw may inirereport ang mga Provincial at City police director.

Noong araw, nangunguna ang Bulacan Police sa mga bilang ng mga casualties sa anti-drug operation sa Central Luzon.

Pumapangalawa naman ang Nueva Ecija at sumunod ang Tarlac Police.

Dahil hawak na ngayon ni Vice-President ang kampanya sa anti-drugs ni isang report of casualty ay walang inirereport ang mga provincial at city police offices.

Karamihan sa mga report nila ay mga naaaresto na mga drug personalities at nahuhuling mga wanted persons.

Matatandaan, sa pahayag ni Robredo ayaw nitong magkaroon ng casualties sa kampanya sa droga lalo na sa mga buy-bust operation ng mga PNP.

Sang-ayon sa police officer nakausap ng Dateline, mukhang sumusunod ang mga PNP sa utos ni ICAD chair na “no casualties.”

Paano naman kaya kapag naglaban at pinutukan ng suspek ang PNP? Hindi na ba sila gaganti ng putok? Tanong ng police officer.

E kawawa naman ang mga otoridad dahil sila ang nagiging biktima dito, ayon sa police officer.

Sang-ayon din sa police officer, baka lalong lumala ang illegal drugs dahil hindi na natatakot ang mga ito? Nagtatanong lang po...

Abangan po natin kung magiging epektibo ang kampanya ni Robredo...


VIEW COMMENTS
DISCLAIMER:

SunStar website welcomes friendly debate, but comments posted on this site do not necessarily reflect the views of the SunStar management and its affiliates. SunStar reserves the right to delete, reproduce or modify comments posted here without notice. Posts that are inappropriate will automatically be deleted.


Forum rules:

Do not use obscenity. Some words have been banned. Stick to the topic. Do not veer away from the discussion. Be coherent. Do not shout or use CAPITAL LETTERS!

sunstar.com.ph