PAMPANGA

Sapnu: Gun ban ipatutupad sa Central Luzon

Dateline: Olivas

NALALAPIT na ang Southeast Asian (SEA) games sa Pilipinas, kaya ipatutupad ang gun ban sa Central Luzon.

Ito ang direktiba ni Brig. Gen. Rhodel Sermonia, Police Regional Office III (PRO-3) acting director sa lahat ng mga Provincial at City police director sa rehiyon.

Simula nitong Nobiembre 20, ipinatupad ni Sermonia ang gun ban sa Central Luzon partikular sa mga lalawigan kung saan gaganapin ang SEA games.

Lahat ng mga provincial at city police directors kanyang inatasan ng malawakang checkpoint sa kanilang area of responsibility.

Ang gun ban ay upang matiyak ang seguridad sa nalalapit na SEA games na gaganapin sa mga lalawigan ng Bulacan, Tarlac at Zambales.

Inatasan din ni Sermonia ang lahat ng police units sa Central Luzon na paigtingin ang manhunt operation laban sa mga kriminal na mayroon standing warrant of arrests. Ang mga ito ay maaaring banta sa SEA games.

Sang-ayon kay Sermonia nagsimula ang gun ban nitong Nobiembre 20 na kung saan ipinatutupad ng PNP ang gun ban sa Central Luzon, Southern Tagalog Region, National Capital Regiona at ibang lugar sa Ilocos Region. Ito'y bilang matiyak na walang magaganap na untoward incidents na kung saan gaganapin ang SEA games.

Sa darating na Nobiembre 25, idedeploy ang 6,000 PNP personnel sa mga lugar na gaganapin ang SEA games. Ito'y bukod pa sa bilang ng mga multiplier forces, ayon pa kay Sermonia.

Kaya naman kung mayroon kayong makikitang PNP checkpoints, ito'y dahil sa ipinatutupad lamang ang gun ban.


VIEW COMMENTS
DISCLAIMER:

SunStar website welcomes friendly debate, but comments posted on this site do not necessarily reflect the views of the SunStar management and its affiliates. SunStar reserves the right to delete, reproduce or modify comments posted here without notice. Posts that are inappropriate will automatically be deleted.


Forum rules:

Do not use obscenity. Some words have been banned. Stick to the topic. Do not veer away from the discussion. Be coherent. Do not shout or use CAPITAL LETTERS!

sunstar.com.ph