PAMPANGA

Sapnu: May armed encounter ulit sa anti-illegal drug bust?

Dateline: Olivas

SA HALOS tatlong linggo pag-upo ni Vice President Leni Robredo bilang chair ng anti-drugs, naging tahimik ang lahat ng mga provincial at city police offices sa Central Luzon.

Naging tahimik dahil walang naganap na armed encounter sa mga drug bust ng mga otoridad.

Karamihan sa kanilang mga drug bust ay naaarestong mga hinihinalaang shabu pushers/users. Kaya naman halos mapuno ang mga kulungan ng mga bawat police station sa rehiyon.

Sa pag-sibak ni Presidente Rodrigo Duterte kay Robredo, inaasahan na ang mga armed encounter sa bansa, ito ang ayon sa mga police officer nakausap ng Dateline.

Sang-ayon pa sa mga police officer, kinakailangan ang armed encounter sa mga buy-bust operation kung manlalaban ang mga suspek.

Karamihan daw sa mga pushers ay may dala din mga baril kaya naman di inaasahan ang armed encounter, ayon sa mga police officer.

At kaya naman nagaganap ang armed encounter dahil ayaw nilang pahuli sa mga otoridad, ayon pa sa kanila.

Kaya naman sa susunod na mga linggong darating, inaasahan na ang mga armed encounter sa bansa.

Inaasahan na ang magiging casualties sa mga drug bust sa mga police offices ng Bulacan, Nueva Ecija at Tarlac.

Itong tatlong police offices ang mayroon big accomplishments pagdating sa kampanya sa illegal drugs.

Kung iyong matatandaan Bulacan police ang pinakamaraming armed encounter nang ma-upo ni Duterte.

Abangan po ang mga mangyayaring armed encounter sa mga drug bust...

*****

Binabati ng Dateline ang na-promote na mga police officer sa Police Regional Office (PRO)-Central Luzon.

Police Lieutenant Joey Agumboy, chief clerk ng Deputy Regional Director for Administration (DRDA).

Police Executive Master Sergeant Nelson Mendoza at P/Staff Master Sergeant, kapwa personnel sa Office of Regional Director.

Ang mga na-promote mga personnel Regional Community Affairs and Development Division (RCADD) kabilang sina:

Police Executive Master Sergeant Alice Taluban; P/Executive Master Sergeant Liza Gamboa;; P/Chief Master Randy Barredo; at P/Master Sergeant Mandolino Pacleb.

Police Chief Master Sergeant Mhay Rubio, personnel ng Office of the Regional Director.

Ang mga na-promote sa Regional Logistics and Research Development Division sina P/Executive Master Sergeant Lailanie Moulic; P/Executive Master Sergeant Erma dela Pena; P/Executive Master Sergeant Renato Quizon; P/Executive Master Sergeant Jaime Bersa; P/Staff Master Sergeant Gal Robertson Ragodon; at P/Staff Master Sergeant Ryan Marin.

Sa lahat ng iba pang na promote congrats sa inyong lahat!


VIEW COMMENTS
DISCLAIMER:

SunStar website welcomes friendly debate, but comments posted on this site do not necessarily reflect the views of the SunStar management and its affiliates. SunStar reserves the right to delete, reproduce or modify comments posted here without notice. Posts that are inappropriate will automatically be deleted.


Forum rules:

Do not use obscenity. Some words have been banned. Stick to the topic. Do not veer away from the discussion. Be coherent. Do not shout or use CAPITAL LETTERS!

sunstar.com.ph