Sapnu: Robbery sa mga salesman di masugpo?

MUKHANG talamak na yata ang robbery/holdup sa mga salesman.

Nitong nakaraang Lunes (December 2), isang salesman ng Philip Morris Forture Tobacco Corporation ang hinoldap.

Ang biktima nakilalang si Eric Tan, 34, Sales/Collection Agent ng Philip Morris at residente ng City of Marikina. Kasama ni Tan ang kanyang drayber na si Jose Terrible, 53, ng Tarlac City.

Ang mga biktima ay nasa harap ng Regina Crisostomo Store sa Barangay San Pascual, Tarla City nang biglang lumapit sa kanila ang dalawang gunmen at ideneklara holdup ito.

Umaabot sa P320,000 koleksyon ni Tan ang nakulimbat ng mga suspek.

Sa mga report ng PNP sa Central Luzon, bago umupo si Brig. Gen. Rhodel Sermonia, Police Regional Office-3 (PRO3) acting director, sunod-sunod na rin ang mga hinoholdap na mga salesman ng sigarilyo at maging mga softdrinks.

Malimit ang holdup sa mga lalawigan ng Pampanga, Bulacan at Nueva Ecija.

Wala ni isang suspek ang nahuli ng mga otoridad simula nang naging talamak ang robbery o hold-up sa mga salesman.

Sa pag-upo kaya ni Sermonia masusug po nito? Nagtatanong lang po.

Mga motorista nirereklamo ang mga barriers na walang replectors?

Ilang mga motorista ang nabangga sa mga concrete/steel barriers sa pangunahing lansangan sa City of San Fernando.

Malimit namang yari ito kapag gabi kasi karamihan sa mga barriers inilagay ng City of San Fernando at Department of Public Works and Highways (DPWH3) walang replector.

Sabi nga nila mabibigla ka kapag malapit kana sa barrier kaya di mo na maiwasa nito.

Lalo nasiguro iyong mga motorista na ngayon pa lamang dadaan sa mga kalsada sa lungsod, magugulat ang mga ito sa mga concrete/steel barriers.

Kinauukulan baka gusto ninyong lagyan ng mga replector ang mga itinayo ninyong mga barriers.

Hihintayin pa ba natin na may masamang mangyari sa mga motorista bago ninyo aksyon ito? Nagtatanong lang po.

Trending

No stories found.

Just in

No stories found.

Branded Content

No stories found.
SunStar Publishing Inc.
www.sunstar.com.ph