PAMPANGA

Sapnu: ‘Basag Kotse’ gang strike again

Dateline: Olivas

UMATAKE na naman ang tinagurian “Basag Kotse” gang sa Central Luzon.

Nagsimulang umatake ang Basag Kotse gang noong Martes, December 3, at nitong Huwebes, December 5.

Unang biniktima ng nasabing gang ang si Doctor Reynaldo Dizon, 62, residente ng Diamond Subdivision, Balibago, Angeles City.

Ipinarada noong 7:00 gabi ng Martes ang kanyang Mitsubishi Expander sa kahabaan ng Barangay Sto. Cristo, Angeles City upang dumalo sa isang inter-department bowling tournament.

Nang balikan ni Dizon ang kanyang behikulo nang dakong 9:00 gabi laking gulat nito ang front passenger windown at left rear window ay basag na.

Hindi naman inireport ng biktima kung anong mahahalagang gamit nito ang natangay ng gang.

Martes ng gabi din inatake ng Basag Kotse gang ang bikulo ng isang negosyante nakaparada sa harapan ng Puregold sa Barangay Dolores, City of San Fernando.

Sang-ayon sa report ni Col. Paul Gamido, Chief of police of City of San Fernando, ipinarada ni Mycah Caingat, 30, residente of Barangay Lourdes ang kanyang Mitsubishi Mirage sa harapan ng Puregold ng dakong 7:30 p.m.

At nang bumalik ito sa kanyang kotse ang kanand bintana nito ay basag na at ang kanyang shoulder bag naglalaman ng iphone6, make-up kit, power bank at earphone ay nawawala na.

Nitong Huwebes (Dec. 4), naging biktima din ng Basag Kotse gang sina Renz marion Fernandez Silvestre, 33, isang kagawad at residente ng Lias, Marilao, Bulacan at Carlo Fernandez Calabata, 31, ng Pandayan, Meycauyan, Bulacan.

Ipinarada ni Silvestre ang kanyangt Toyota Fortuner (NAG-5211) at Toyota Avanza (A4 T522) ni Calabata sa parking area ng McDonalds Food chain sa Barangay Ibayo, Marilao, Bulacan.

Pagkatapos nilang kumain, pagbalik nila sa kanilang behikulo ang kanan passenger window ay basag na.

Nakulimbat kay Silvestre ang apple laptop, isang bag naglalaman ng P34,000, check book samantalang kay Calabata ay isang ASUS laptop, at modem wifi.

Maging ang robbery/hold-up ay lumaganap na rin sa Central Luzon kagaya ng isang salesman ng Philip Moris, hinoldap ito. Hinoldap ito nang sa Barangay nasa isang tindahan ang salesman/collector sa Barangay San Pascual, Tarlac City.

Umaabot sa P320,000 ang nakuha sa salesman.

Sang-ayon sa mga police officer nakausap ng Dateline, nalalapit na kasi ang Pasko kaya naglipana na naman ang mga miyembro ng Basag Kotse gang at maging ang mga holdaper.

Simula nang maupo ni Brig. Gen. Rhodel Sermonia, bilang acting regional director ng PRO3, umatake na ang Basag Kotse gang at mga holdupper sa Central Luzon.

Sinusubukan kaya nila si Sermonia? Nagtatanong lang po.

Ano naman kaya ang agarang aksyon ni Sermonia? Nagtatanong lang po. Mahuhuli kaya ng PRO3 ang nasabing gang at holduppers? Nagtatanong lang po.


VIEW COMMENTS
DISCLAIMER:

SunStar website welcomes friendly debate, but comments posted on this site do not necessarily reflect the views of the SunStar management and its affiliates. SunStar reserves the right to delete, reproduce or modify comments posted here without notice. Posts that are inappropriate will automatically be deleted.


Forum rules:

Do not use obscenity. Some words have been banned. Stick to the topic. Do not veer away from the discussion. Be coherent. Do not shout or use CAPITAL LETTERS!

sunstar.com.ph