Sapnu: Nagsimula na ang armed encounter sa mga drug suspects

SA PAGKAKATANGGAL ni Vice President Maria Leonor "Leni" Gerona Robredo bilang anti-Illegal drugs czar, nagsimula na ang armed encounter.

Nitong nakaraang Sabado, Disyembre 7, dalawang shabu pushers ang napatay sa buy-bust operation sa City of San Jose Del Monte, Bulacan.

Isang pinaghihinalaang agent ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-Central Luzon at ang kanyang kasamahan ang napatay nang magtangkang makipagpalitan ng putok sa mga operatiba ng City of San Jose Del Monte police at Drug Enforcement Unit ng Bulacan police.

Isinagawa ang buy-bust operastion sa Barangay Gayagya ng nasabing lungsod at pagkatapos ng "deal" nakahalata ang dalawang suspek na ang kanilang buyer ay isang police officer.

Ang napatay ay nakilalang sina Jayvee Dineros at ang kanyang cohort na si alias Jun.

Narekober sa mga suspek ang isang kalibre .38 revolver at isang improvised shot gun at isang motorsiklo.

Ito ang unang iniulat nagkaroon ng isang armed encounter sa Bulacan.

Nang maupo ang bagong acting provincial director ng Bulacan police na si Colonel Ema Libunao noong nakaraang linggo, nagkaroon ng armed encounter sa buy-bust operation.

Kaya naman inaasahan na marami pang bilang ng casualties kung sakaling magtangkang manlaban ang mga shabu pushers sa mga otoridad.

Sino kayang Provincial Police Director sa Central Luzon ang susunod na may armed encounter sa kanilang mga armed encounter? Nagtatanong lang po...

Matatandaan noon pumapangalawa ang Nueva Ecija police at sumunod ang Tarlac sa mga buy-bust operation with armed encounter. Sino kaya sa dalawang provincial police office ang susunod sa Bulacan police?

Abangan po...

Trending

No stories found.

Just in

No stories found.

Branded Content

No stories found.
SunStar Publishing Inc.
www.sunstar.com.ph