PAMPANGA

Sapnu: Budol-Budol gang strikes in San Fernando

Dateline: Olivas

MUKHANG dumayo na sa City of San Fernando ang mga kawatan upang mangholdap nitong nalalapit na ang Pasko.

Ito ang karaniwan nangyayari kapag nalalapit na ang Holiday, dumarami na ang bilang ng mga holdup/robbery incidents sa lungsod.

Sang-ayon sa record ng Philippine National Police (PNP), tuwing Disyembre ang mga kawatan ay naglilipana sa ibat’ ibang lugar upang mangholdap.

Tuwing Disyembre, tumataas ang bilang ng insidente ng robbery/holdup sa bansa, ayon sa PNP.

At nitong nakaraang Huwebes, December 12, ang tinaguriang Budol-Budol gang ang umatake sa lungsod.

Sang-ayon sa report, ang biktima ay si Noemi Lalu-Chan, 28, resident ng Gatbuca, Calumpit, Bulacan at Staff coordinator ng Bayanihan Placement and Management Services.

Ang biktima ay nanggaling sa San Simon at sumakay sa isang pampasaherong jeep sa harapan ng Jumbo Jenra Mall.

Samantalang nakasakay sa jeep, isang matandang babae katabi nito ang nakikipag-usap sa kanya. Ayaw naman makipag-usap ang biktima, ayon sa police report.

Sa hindi malamang dahilan, sandali itong nawalan ng malay at nagising ito sa New Era University sa Barangay Saguin.

At doon, napag-alaman nito na ang kanyang IPhone 6S cellphone at brown Louis Vuitton wallet na naglalaman ng P152,588 ay nawawala na. Sang-ayon sa report, ang nasabing cash money ay idedeposito nito sa isang bangko.

At nitong nakaraang Martes, December 10, isang salesman ng isang sigarilyo ang hinoldap sa Barangay Sindalan, City of San Fernando. Nasa harapan ng isang tindahan si JR Zapanta, 34, ng Mighty Corporation, nang ito’y hinoldap ng riding-in-tandem. Ang koleksyon ni Zapanta ay tinangay ng mga armadong kalalakihan.

Nagkasunod-sunod ang robbery/hold-up incidents sa lungsod at wala pang ni isang nahuhuli ang San Fernando City police. Mukhang mahina yata ang intelligence network ng PNP at palagi itong nalulusutan ng mga robbery/holdup gang?


VIEW COMMENTS
DISCLAIMER:

SunStar website welcomes friendly debate, but comments posted on this site do not necessarily reflect the views of the SunStar management and its affiliates. SunStar reserves the right to delete, reproduce or modify comments posted here without notice. Posts that are inappropriate will automatically be deleted.


Forum rules:

Do not use obscenity. Some words have been banned. Stick to the topic. Do not veer away from the discussion. Be coherent. Do not shout or use CAPITAL LETTERS!

sunstar.com.ph