Lacson: Sa ALS ang pag-asa

SI MARY Anne, maagang nag-asawa at nagka-anak, minsang nadapa sa buhay at tumigil sa pag-aaral.

Si Rommel naman ay hindi nakapagtapos ng pag-aaral dala ng lubos na kahirapan.

Si Nanay Aida, animnapu't limang taong gulang, na pinagkaitan ng pagkakataong mag-aral dahil isa siyang babae, nangarap na makatapos ng elementarya.

Sila'y tatlo lamang sa mga libu-libong nabago ang buhay, nabigyan ng panibagong pag-asa, bumangon at ngayo'y taas-noong isinasabuhay at tinatamasa ang pag-asang hatid ng Alternative Learning System o ALS.

Ang pagkabigo, dulot man ito ng isang pagkakamali o dala ng agos ng buhay, ay maaaring ituwid at malampasan dahil ang ALS ay para sa mga taong naghahanap ng panibagong pagkakataon at oportunidad na makapag-aral sa pamamagitan ng non formal education.

Marami nang mga kuwento ng tagumpay ang ating narinig at nasaksihan, at iyon ay naging posible dahil sa mga ALS mobile teachers at implementers. Sa kabila ng maraming pagsubok na kinakaharap ng isang ALS teacher, tulad ng pagsuong sa mga malalayo at mapanganib na lugar mapuntahan lamang ang inyong mga learners, ang paghihikayat ng mga learners na magpatuloy sa pag-aaral, ang habulin ng mga aso habang nagma-mapping, at pumasok at makisalamuha sa mga preso, at iba pa, sila ay nagpapatuloy sa inyong pagsisilbi bilang mga masigasig na kawani ng ating ahensya.

Dahil sa sakripisyo, dedikasyon, at pagmamahal ng mga ALS mobile teachers sa kanilang mga learners, ay buhay at matagumpay ang implementasyon ng ALS dito sa rehiyon.

Nawa'y sa pamamagitan ng pagbibigay parangal na ito sa inyong husay at dedikasyon ay lalo pang mag-alab ang inyong mithiin na masiguradong walang bata, matanda, o kung sinumang una nang nabigo at nadapa, dito sa Central Luzon and maiiwan.

Trending

No stories found.

Just in

No stories found.

Branded Content

No stories found.
SunStar Publishing Inc.
www.sunstar.com.ph