Sapnu: Nangunguna ang Nueva Ecija police sa kampanya kontra droga

NITONG Nobiyembre hanggang nitong Disyembre, dalawang Police Provincial Offices ang mahigpit sa kampanya laban sa pinagbabawal na droga.

Ang Bulacan Police Provincial Office (BPPO) at Nueva Ecija Police Provincial Office (Neppo) ang maituturing na mahigpit sa kanilang kampanya laban sa illegal drugs.

Ang BPPO at Neppo ang pinakamaraming bilang ng mga arrested suspected shabu pushers o users sa kanilang malawakang kampanya sa illegal drugs.

Sumunod sa dalawa ang Tarlac Police Provincial Office at Pampanga Police Provincial Office sa mga arrested suspected drug pushers o users.

Sa bilang ng mga naging casualties sa buy-bust sa Central Luzon sa buwan ng Nobiyembre at nitong Disyembre dahil nanlaban ang mga ito.

Batay sa police record, nangunguna ngayon ang Nueva Ecija sa bilang ng casualties sa anti-illegal drugs operation.

Nito lang nakalipas na dalawang linggo, umaabot na sa apat na suspected drug pushers ang napatay ng Neppo.

Ang Bulacan Police ay dalawang pushers ang naging casualties sa kanilang anti-illegal drugs operation.

Dalawang rin ang casualties ng Tarlac Police sa kanilang mahigpit na kampanya sa pinagbabawal na droga.

Samantala ang Bataan Provincial Police, Olongapo City Police, Angeles City Police at Zambales Police ay wala pa ring naiiulat na mayroon na silang naging casualties sa kanilang kampanya kontra droga.

Karamihan sa kanilang mga report ay halos mga arrested suspected shabu pusherso users.

Nitong pagpasok ng taon 2020, sino sa mga Provincial Police Officeo City Police Office ang maaaring manguna sa “casualties” sa anti-drugs operations??? Nagtatanong lang po...

***

Pinapayuhan ni Brigadier General Rhodel Sermonia, acting director ng Police Regional Office (PRO)-Central Luzon ang mga kababayan natin na sasalubong ng Bagong Taon na huwag gumamit ng firecrackers.

Ito’y aniya upang walang masaktan o masugatan sa pagsalubong ng bagong taon.

Binalaan din ni Sermonia ang lahat ng police personnel na huwag iputok ang kanilang mga baril dahil tuwing ginagamit ng mga ito sa pagsalubong sa Bagong Taon mayroon tinatamaan ng stray bullet.

Binalaan din ni Sermonia ang lahat ng gun owners na huwag gamitin para walang maaksidente.

Bumabati ang inyong lingkod na Manigong Bagong Taon sa inyong lahat!

Trending

No stories found.

Just in

No stories found.

Branded Content

No stories found.
SunStar Publishing Inc.
www.sunstar.com.ph