Sapnu: Mga miyembro ng Kadamay at NPA rebels sumurender?

NOONG nakaraang Lunes, iprinisinta ni Brigadier General Rhodel Sermonia, Police Regional Office (PRO)-Central Luzon director, ang umano'y sumukong mga miyembro ng Kadamay at New People's Army (NPA) rebels.

Umaabot sa 200 Kadamay miyembro at 70 rebelde ang mga nagsisuko sa Philippine National Police (PNP) mula sa lalawigan ng Bulacan, Nueva Ecija at Bataan.

Ang mga ito ay nagsisuko umano sa nabanggit na Police Provincial Office noong nakaraang taon.

At noong Lunes, iprinisinta ni Sermonia ang mga ito sa media personalities.

Sang-ayon kay Sermonia, tutulungan ng PNP ang mga ito sa kanilang pagbabago.

Karamihan sa mga nagsisuko ay mula sa idad 20 taon pataas, ayon pa sa kanya.

Ang tanong lang dito, bakit kaya ni isa sa kanila ay walang isinukong baril? Nagtatanong lang po.

***

Kampanya sa droga tuloy pa rin.

Nitong simula ng buwan (Enero), marami ng drug pushers/users ang naaaresto ng iba't-ibang police station sa pitong lalawigan at dalawang lungsod ng rehiyon.

Pinakamaraming naaresto ay ang Bulacan police, pumapangalawa ang Nueva Ecija Police at sumunod ang Tarlac police.

Kulelat naman ang Bataan, Pampanga at Zambales sa mga naaarestong drug pushers/users.

Nangunguna naman ang Nueva Ecija police sa napatay na mga drug pushers/users dahil lumaban ang mga ito sa mga operatiba.

Sumunod ang Bulacan police at pangatlo ang Tarlac police.

Ang mga ito ay batay sa police report pinararating sa PRO3 headquarters.

Ang tanong dito, dahil sa mga naaarestong drug pushers/users malamang napupuno na ang mga kulungan.

Saan kaya ikukulong iyong ibang drug pushers/users na hindi na magkasya sa mga kulungan? Ito po ang malaking katanungan.

Trending

No stories found.

Just in

No stories found.

Branded Content

No stories found.
SunStar Publishing Inc.
www.sunstar.com.ph