PAMPANGA

Sapnu: Balasahan simula nitong Enero 15

Dateline: Olivas

INAASAHAN ang malawakang balasahan sa mga senior police officers sa Central Luzon.

Sang-ayon sa Intelligence Officer (IO) ng Dateline, ilan sa mga Provincial Police Director at maaaring maging City Police Director ang maaapektuhan sa gagawin balasahan ni Brigadier General Rhodel Sermonia, Police Regional Office-Central Luzon (PRO-Central Luzon) director.

Bukod sa mga Provincial at City police director, ang ilan sa mga Chief of Police ay maaapektuhan sa balasahan, ayon sa IO.

Maging sa mga Chief of Staff sa PRO- Central Luzon headquarters ay magkakaroon din ng balasahan.

Sang-ayon sa IO, isa sa maaaring masama sa balasahan ay ang Pampanga Police Provincial Office. Ang dahilan ay natapos na nito ang two-year term bilang provincial director.

Ang Zambales at Olongapo City police director ay maaari din maapektuhan sa balasahan, ayon pa rin sa IO.

Ang mga Provincial Police Offices ng Bulacan, Tarlac, Bataan at Angeles City ay hindi umano masasama sa balasahan.

Sa Pampanga, malawakang balasahan sa mga Chief of Police maaaring ipatupad ng bagong uupong Provincial Police Director.

Sang-ayon sa IO, ang napipiling maging Pampanga Police Provincial director ay si Colonel Bernardo Perez.

Kaya naman marami mga Chief of Police ang lumalapit kay Perez upang hindi sila masama sa balasahan.

Staff Officers, dahil magreretiro na si Brigadier General Cesneros bilang Deputy Regional Director for Administration mababakante ang kanyang puwesto.

Kaya naman inaasahan ang Deputy Regional Director for Operations na si Colonel Rhoderick Armamento ang inaasahan na papalit kay Cesneros.

Sang-ayon sa IO, ang Regional Community Affairs Development Division ay masasama sa balasahan.

Sino pa kaya staff officers na maaaring maapektuhan ng balasahan??? Nagtatanong lang po...

Ang mga bata umano ni Sermonia ang kanyang iuupo kapalit ng mga masasama sa balasahan? Nagtatanong lang po...


VIEW COMMENTS
DISCLAIMER:

SunStar website welcomes friendly debate, but comments posted on this site do not necessarily reflect the views of the SunStar management and its affiliates. SunStar reserves the right to delete, reproduce or modify comments posted here without notice. Posts that are inappropriate will automatically be deleted.


Forum rules:

Do not use obscenity. Some words have been banned. Stick to the topic. Do not veer away from the discussion. Be coherent. Do not shout or use CAPITAL LETTERS!

sunstar.com.ph