PAMPANGA

Sapnu: Motorized tricycle, pedicab, e-trike bawal na?

Dateline: Olivas



NITONG nakaraang linggo, mahigpit pinagbabawal ang pagdaan o pagbiyahe ng mga Motorized tricycle, pedicab at E-trike sa pangunahing kalsada sa bansa.

Isang direktiba ang ipinalabas ni Sec. Eduardo Ano g Interior and Local Government ang banning of motorized tricycle, pedicab at E-trike sa mga national highways sa bansa.

Sa direktiba ni Ano, inatasan nito ang mga alkalde sa bansa na ipagbawal ang mga tricycle, pedicab at lalo na E-trike na bumiyahe sa mga pangunahing kalsada.

Sa Pampanga, marami ng mga motorized tricycle, pedicab at e-trike ang bumabiyahe sa kabaan ng Mc Arthur highway at Jose Abad Santos Avenue.

Ang masaklap nito, sila’y namamasada at hindi nila alintana ang nakaabang na aksidente sa kanila.

Sila’y (Motorized tricycle, pedicab, e-trike) ang tutulin magpatakbo at malimit nakikipag-karera pa sa mga sasakyan.

Ang akala nila sa kanilang sinasakyan ay mga kotse kung manakbo at hindi nila inisip na baka sila ay madisgrasya.

Ok lang kung iyong drayber ang madisgrasya e paano naman ang kanyang mga pasahero. Kung baga hindi iniintindi ng drayber ang kanyang mga pasahero kung sila’y madisgraya.

Kung dati ang mga pampasaherong jeep ang King of the Road, ngayon ang mga Motorized tricycle, pedicab at e-trike sila na ngayon ang King Of The Road.

Hanggang kalian kayang ipagbawal ng mga alkade ang mga nabanggit na tatlong King Of The Road.

Dapat bigyan ng ultimatum ni Sec. Ano lahat ng mga alkalde upang sumunod sa kanyang direktiba.

Sa Pampanga partikular sa City of San Fernando na kung saan parang kabuteng naglipana ang mga E-Trike, Motorized tricycle at Pedicab sa mga panguhaning lansangan.

Hindi naman trabaho ng Land Transportation Office o Highway Patrol Group na hulihin ang mga ito.

Ang mga namamahala sa trapik ng lungsod ang dapat magbabala at hulihin ang mga E-trike, Motorized tricycle at Pedicab.

Kinakailangan ang “Political Will” ng mga alkalde upang masunod ang direktiba ni Sec. Ano....

Abangan po ang mga alkalde sa Pampanga susunod sa direktiba...

Sana maging ehemplo ang City of San Fernando government sa banning of all motorized tricycle, pedicab at E-trike....


VIEW COMMENTS
DISCLAIMER:

SunStar website welcomes friendly debate, but comments posted on this site do not necessarily reflect the views of the SunStar management and its affiliates. SunStar reserves the right to delete, reproduce or modify comments posted here without notice. Posts that are inappropriate will automatically be deleted.


Forum rules:

Do not use obscenity. Some words have been banned. Stick to the topic. Do not veer away from the discussion. Be coherent. Do not shout or use CAPITAL LETTERS!

sunstar.com.ph