Sapnu: PNP chief Gamboa

HINDI inaasahan umano ni Lieutenant General Archie Gamboa na iaapoint na ni Pangulong Duterte Chief PNP.

Nasorpresa umano si Gamboa nang ihayag ni Duterte na siya ang napisil nitong maging Chief PNP.

Matatandaan na si Gamboa ang itinalaga bilang officer-in-charge ng PNP makaraang tinanggal sa serbisyo ni Gen. Oscar Albayalde sa mga ibinatong kaso sa kanya.

Halos tatlong buwan naging OIC si Gamboa at nitong makaraang dalawang araw, laking gulat umano niya nang ipahayag ni Pangulo na siya maging Chief PNP.

Wala nang isang taon sa serbisyo ni Gamboa kaya hindi nito inaasahan na siya ang napili ni Duterte as Chief PNP.

Sa policy ng PNP, kung wala ka nang isang taon sa serbisyo hindi ka na karapat dapat maging Chief PNP.

Ang dahilan ano na ang magagawa ng isang General kung wala na itong isa o mahigit isang taon sa serbisyo, ayon sa mga police officer.

Mukhang nilabag ni Duterte ang nasabing policy ng PNP. Pero ano ang magagawa ng PNP e Presidente na ang nag-utos.

Ang magiging epekto nito, magiging batayan ito ng isang naghahangad na maging Chief PNP kahit wala na ito isang taon ang kanyang serbisyo.

Ano po ang masasabi ninyo dito? Nagtatanong lang po...

Trending

No stories found.

Just in

No stories found.

Branded Content

No stories found.
SunStar Publishing Inc.
www.sunstar.com.ph