Sapnu: Mahigit isang libong motorized tricycle, pedicab at e-trike nahuli

SIMULA nang ipatupad ang banning of motorized tricycle, pedicab at e-trike sa mga pangunahing lansangan, marami ng nahuli ang Public Order and Safety Coordinating Office (Posco) ng City of San Fernando.

Sang-ayon kay Retired Major Willie Manaloto, bagong chief ng Posco, mula noong Enero 1 hanggang 17 umaabot na sa 1,689 ang kanilang nahuli mga tatlong gulong behikulo.

Si Manaloto ang pumalit kay retired Col. Danilo Bautista na kung saan halos apat na taon itong naking head ng Posco.

Karamihan ng traffic enforcers nahuhuling tricycle, pedicab at e-trike na bumabiyahe sa McArthur highway at Jose Abad Santos Avenue.

At halos lahat ng mga ito ay mula sa madaling araw hanggang 6:00 p.m. bumibiyahe sa mga pangunahing lansangan.

Karamihan sa mga nahuli ng mga traffic enforcer ay kinukumpiska ang kanilang driver’s license, ayon pa kay Manaloto.

Ang mga plaka naman ng mga behikulo ang kanilang binabaklas kapag wala ito maipakitang lisensya.

Ang tanong dito, e kung walang plaka at lisensya ang mga ito. Ano sir gagawin ninyo.

Kinakailangan ba i-impound ang kanilang behikulo? Nagtatanong lang po...

Kahapon ang daming mga motorized tricycle ang tumatakbo sa kahabaan ng MacArthur highway at take note, karamihan pa sa kanila ay nasa gitna ng kalsada at nakikipagkarera pa.

Ano ang dapat gawin sa mga pasaway na mga drayber ng tricycle at e-trike? Nagtatanong lang po...

Kinakailangan ang political will para sa total banning of motorized tricycle, pedicab at E trike.

Hihintayin pa ba natin magkaroon ng grabeng aksidente sa kalsada bago ipatupad ang banning of tricycle, pedicab at e-trike? Nagtatanong lang po...

Trending

No stories found.

Just in

No stories found.

Branded Content

No stories found.
SunStar Publishing Inc.
www.sunstar.com.ph