Sapnu: Modus: Switching of live chicken?

NITONG nakaraang linggo, isang Modus ng mga kawatan ang nalangsag ng mga tauhan ng PNP Regional Intelligence Division Special Concern Unit3 (RIDSCU3).

Ang modus ng mga kawatan ay switching of live chicken, ayon kay report pinarating ni Lt. Col. Renante Pinuela, head ng RIDSCU3 kay Brig. Gen. Rhodel Sermonia, Police Regional Office-3 (PRO3) director.

Matagal na minomonitor ng mga tauhan ng RIDSCU3 ang mga nagdedeliber ng mga chicken dahil sa reklamo ni Cesar Galang, 62, isang negosyante ng Barangay Capihan, San Rafael, Bulacan.

Halos ilan buwan na ginagawa ng mga kawatan ang nasabing switching of live chicken at ilan milyon piso ang nawawala sa mga negosyanteng bumili ng mga manok.

Sang-ayon Pinuela ang Modus ng mga kawatan nagdedeliber ng mga manok ay kung ang isang manok ay may bigat na 1.5 kilo. Maghahanap ang mga kawatan ng mapagpagpalitan ang mga ito ng mga manok.

Ang modus ibibigay nila ang manok na may bigat na 1.5 kilo ay papalitan ito ng 1 kilo o wala pa, ayon pa kay Pinuela.

Tapos ang mga kawatan ay babayaran umano ng P50 kada manok ng nakipagpalitan.

Kaya naman pagdeliber ng mga kawatan sa mg negosyante na kumukuha ng mga manok kagaya ng mga food chain at iba pang establistamento kulang na sa 1.5 kilo ang manok. Na kung tutuusin ang kanilang order ay 1.5 kilo ang bigat ng mga manok.

At noong nakaraang linggo, 20 mga kawatan ang naaresto ng RIDSCU3.

Sinampahan ng kasong theft sina Jayson Dacanay, 33, truck driver number 1, ng Jaen, Nueva Ecija at kanyang helper na sina Marlon Felix, 33, at Ramil Cruz, 31. Truck number 2, Chester Cruz, driver at helpers Jolito Veloso, 36 at Truck #3 ang driver na si Rogelio Martinez at mga helper na sina Vincent Cruz at Glevin Dela Cruz.

Samantalang ang 12 katao ay sinampahan ng anti-fencing law, ayon pa kay Pinuela.

Ilan libong mga manok ang nakumpiska ng RIDSCU3 samantalang ang mga kawatan ay nakadetine at nahaharap sa kasong theft at anti-fencing law.

Trending

No stories found.

Just in

No stories found.

Branded Content

No stories found.
SunStar Publishing Inc.
www.sunstar.com.ph