Sapnu: Fixer sa PRO3

HINDI na bago ang balitang mayroon fixer sa Police Regional Office (PRO)-Central Luzon.

Ang nasabing fixer na ito ay siyang nag-aayos sa mga gustong pumasok sa Philippine National Police (PNP) na kung saan ang kapalit nito ay "certain money."

Kaya naman ilan din sa personnel umano ng Regional Personnel and Records Management Division ang na-relieve doon dahil sa mga ganitong sistema.

At noong Pebrero 3, sa isang entrapment operation na isinagawa ng Criminal Investigation Group (CIDG) Regional Field Unit 3 at CIDG Pampanga Field Unit sa EM's Barrio, Barangay San Nicolas, City of San Fernando, naaresto si Lydia Mangalindan-Guillermo.

Sang-ayon sa report, matagal na minomonitor ang suspek dahil sa kumakalat na balita marami ng nangyayaring fixing sa police recruit sa PRO-Central Luzon.

Sa report, ang suspek ay "acted as a FIXER" meddling in the recruitment process of PRO-Central Luzon kapalit a certain sum of money.

Hindi naman inireport kung magkanong halaga ang binabayad ng isang aplikante sa PRO-Central Luzon recruit.

Sa mga nakausap ng Dateline na mga police officers, rate umano ng bayaran ay kung minsan umaabot sa P100K at kung minsan mataas pa. Ito'y depende kung mayroon bagsak sa examination ang isang aplikante.

Sang-ayon pa sa kanila (police officers), matagal na umano ang naturang sistema "Fixing" sa PRO-Central Luzon kaya lang hindi lang na-eexposed.

Ano kaya ang reaksyon ni Brig. Gen. Rhodel Sermonia, PRO-Central Luzon director, sa fixing sa mga police recruits sa kanyang headquarters.

Dapat din paimbestigahan ni Sermonia kung sino sino ang kakutsaba ng nasabing fixer na ito at bigyan ng karampatan kaso.

Maging ang mga policemen na nakapasok na sa PRO-Central Luzon sa pamamagitan ni Fixer dapat din paimbestigahan ni Sermonia.

Abangan ang magiging resulta ipapagawang imbestigasyon ni Brig. Gen. Sermonia...

***

Fixer din sa Non-Uniformed Personnel (NUP)?

Kung may "fixer" sa police recruit baka mayroon din fixing sa NUP...

Next kolum po natin aalamin ito.

Trending

No stories found.

Just in

No stories found.

Branded Content

No stories found.
SunStar Publishing Inc.
www.sunstar.com.ph