Sapnu: Utos ng DILG hulihin ang mga motorized tricycle, 3-wheeler at E-trike sa highway

SIMULA sa Pebrero 17, sisimulan ng mga local government units (LGUs) ang pagbabawal sa mga motorized tricycle, 3-wheeler at E-trike ang pagdaan sa mga national highway sa bansa.

Ipahuhuli ng LGUs ang mga ito kapag nakita na naman bumabagtas sa mga national highway sa bansa.

Ang mga LGUs ang may karapatan na mag-utos sa kanilang mga traffic personnel na hulihin ang nasabing tatlong three-wheeler.

Kaagapay ng mga traffic personnel ang PNP Highway Patrol Group na manghuhuli sa mga pasaway na tatlong gulong na sasakyan.

Sa isang pahayag, sinabi ng Department of Interior and Local Government (DILG) na ipinag-uutos nito sa mga LGUs ang mahigpit pagbabawal sa mga national highway ang mga tatlong gulong na sasakyan.

Alam natin ang mga alkalde sa bansa ang may jurisdiction sa mga motorized tricycle, three-wheeler at E-trike na manghuli o pagbawalan ang mga ito na bumagtas sa pangunahing lansangan.

Sang-ayon sa pahayag ng DILG, kapag hindi tumugon ang mga alkalde sa nasabing kautusan ay malalagot ang mga ito at bibigyan ng karampatan parusan.

Ang mga tricycle, three-wheeler at E-trike ay parang kabuteng naglipana sa iba't ibang bayan at lungsod sa Central Luzon.

Dito lang sa City of San Fernando, hindi na mapigil ng City Government ang pagdami ng mga E-trike at motorized tricycle maging three-wheeler na pumapasada.

Ang masama nito, karamihan sa mga tig-tatlong gulong ay nagsasakay ng mga pasahero mula sa Barangay Poblacion ng lungsod at naghahatid hanggang sa Barangay Sindalan o hanggang sa Angeles City.

Nasa gitna pa sila ng highway kung tumakbo hindi inatalan ng mga drayber ang nakaambang na panganib sa kanyang mga pasahero.

At malimit nakikipag-karera pa ang mga ito sa mga pampasaherong jeep at private vehicles. Hindi man lang inisip ng mga drayber na hindi kotse ang kanilang minamaneho at ang sakunang maaaring mangyari sa kanyang mga pasahero.

Nitong nakaraang linggo, ang daming mga motorized tricycle at E-trike ang nakikipaghabulan sa mga kotse at pampasaherong jeep.

Dapat na bigyan ng ultimatum ang mga drayber na di na sila dapat dumaan sa mga national highway.

Kailan kaya mawawala ang mga pasaway na motorized tricycle at E-trike sa mga pangunahing kalsada? Nagtatanong lang po...

At kailan kaya magkakaron ng "political will" ang mga alkalde upang matupad nila ang kautusan ng DILG? Nagtatanong lang po...

Sana ang DILG ay suspendihin ang mga LGUs (mayors) kapag hindi nila maipatupad ang nasabing kautusan...

Aabangan po namin DILG ang pagsuspendi ninyo sa mga alkalde dahil alam naman natin hindi nila kaya ipatupad ang iyong kautusan dahil mga botante nila ang mga ito...

Trending

No stories found.

Just in

No stories found.

Branded Content

No stories found.
SunStar Publishing Inc.
www.sunstar.com.ph