Sapnu: Mga policy ni PNP chief Gamboa

SA PAG-UPO ni Gen. Archie Gamboa as Chief PNP, marami itong inilabas na “policy.”

Isa na dito ang mahigpit na kampanya nito sa illegal drugs at maging ang illegal gambling.

Sa pag-upo ni Gamboa hindi na mabilang ang mga naaarestong shabu pushers at users sa bansa.

At take note, mukhang walang gaaanong nangyayaring armed encounter sa kampanya sa illegal drugs. Hindi kagaya ng mga naging dating Chief PNP.

Ang tinututukan ngayon ni Chief PNP ay ang kampanya nito sa illegal gambling. Kahit na maliit na sugalan hindi na ito pinatatawad dahil ipinahuhuli ang mga sangkot dito.

Bakit ang sabong at casino na kung tutuusin na malaking sugalan hindi nito pinagbabawal? Nagtatanong lang po.

Kung tutuusin malakihan ang pusta sa sabong lalo na sa mga casino at kung minsan pati ang kanilang kotse o titulo ng lupa ay kanilang sinasangla sa mga financier ng casino kapag sila’y natatalo.

Bakit iyong maliliit na sugalan ang binabanatan ni Gamboa? Nagtatanong lang po.

E bakit iyong malalaking sugalan ay “No Say” si Chief PNP. Nagtatanong lang po.

At bakit iyong illegal drugs ang bigyan ng malaking pansin ni Chief PNP? Na kung tutuusin ang pinakamalaking problema ng bansa. Nagtatanong lang po.

Pasaway na three wheelers

Binigyan ng ultimatum ng Department of Interior and Local Government ang mga Local Government Units (LGUs) sa pasaway na mga drayber ng mga motorized tricycle, E-trike at iba pang three wheelers kagaya ng kolong-kolong na bumabiyahe sa mga highway.

Ang simula ng kampanya laban sa mga three wheelers ay nitong Pebro 17. Sa araw na iyon dapat hulihin ng mga traffic enforcers ang mga ito na bumabiyahe sa national highway.

Abangan po natin kung susunod ang mga LGUs lalo na ang mga alkalde na may hurisdiksyon magpatupad na Banning of Three Wheelers sa mga national highway.

Trending

No stories found.

Just in

No stories found.

Branded Content

No stories found.
SunStar Publishing Inc.
www.sunstar.com.ph