Sapnu: Naglipana pa rin ang mga 3-wheelers sa highway

NOONG Lunes (February 17) ang ibinigay na simula ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa "banning" ng three-wheelers bumiyahe o pumasada sa kahaban ng mga national highway sa bansa.

Sa City of San Fernando, napansin ng Dateline ang mga three-wheelers kagaya ng motorized tricycle, E-trike, G-trike at iba mga kolong kolong na bumabagtas pa rin sa kahabaan ng MacArthur Highway at Jose Abad Santos Avenue.

At take note, ang mga ito ay nasa middle of the highway at nakikipagkarera pa sa mga passenger jeep at private cars.

Napansin din ng Dateline, karamihan sa mga ito ay may pasahero na mga mag-aaral na maaaring hatid sundo ng mga drayber sa kani-kanilang paaralan.

Hindi nila (mga drayber) inalintana ang maaaring panganib na nakaabang sa kanila kasi nga kung magpatakbo ang mga ito ay parang nagmamaneho ng kotse.

Kawawa ang mga sakay na pasahero lalo na mga mag-aaral kapag naaksidente ang mga ito.

Ang daming naka posteng mga traffic enforcer ng Posco ngunit wala itong hinuhuling mga drayber ng mga three wheelers. Bakit kaya? Nagtatanong lang po...

Parang bulag ang mga nasabing traffic enforcer sa mga three wheelers na bumibiyahe sa national highway at nasa gitna pa ang mga ito dahil hindi sila nanghuhuli. Bakit kaya? nagtatanong lang po...

Hindi yata susunod ang mga local government units (LGUs) sa kautusan ng DILG "banning" of motorized tricycle, E-trike, G-Trike at iba pang three wheeler sa national highway. Nagtatanong lang po...

Dapat sampulan ng DILG ang mga LGUs na hindi susunod sa kautusan...

Iyong bang mga LGUs ay walang "political will" sa kautusan ng DILG? Nagtatanong lang po...

***

Mga bagong talagang Staff Officers ni Brig. Gen. Rhodel Sermonia, Police Regional Office-3 (PRO3) director:

Si Col. Eric Noble ang bagong Deputy Regional Director for Operations (DRDO). Miyembro siya ng Philippine Military Academy (PMA) Class '92 at mistah nito sina Col Westrimundo Patrick Obinque at bagong promoted Brig. Gen. Romeo Caramat.

Si Brig. Gen. Rex Dela Rosa ang bagong Deputy Regional Director for Administration (DRDA), PMA Class '89 at mistah nito si Sermonia.

At si Lt. Col. Romell Velasco ang Regional Community Affairs and Development Division (RCADD).

Sa mga bagong staff officers ni Sermonia, welcome po sa PRO3.

Trending

No stories found.

Just in

No stories found.

Branded Content

No stories found.
SunStar Publishing Inc.
www.sunstar.com.ph