Sapnu: Babala ni Digong sa mga ninja cops

MALAWAKANG babala ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte sa mga tinaguriang ninja cops o mga pulis na sangkot sa illegal drugs.

Sa isang pahayagan, binalaan ni Duterte ang mga pulis na huwag masangkot sa illegal drugs o mga tinaguriang ninja cops at maging iyong mga nagre-recycle nakumpiskang droga dahil mamatay ang mga ito.

“Huwag kayo magkakamali pumasok sa droga. Mamatay talaga kayo.” Ito ang ipinahayag ni Duterte sa isang graduation ng public safety officers sa Davao City.

Sa kanyang pahayag, kanyang hahabulin ang mga ninja cops kahit di na siya Pangulo, pahayag pa ni Duterte.

Ang dahilan ng Pangulo ang mga ito umano ang sumisira ng pamilya.

Matandaan kamakailan ay sumuko sa otoridad ang siyam na ninja cops. Ano kaya ang dahilan nila sa pagsuko? Nagtatanong lang po...

Sa batay ng Philippine National Police (PNP) kasalukuyang gumagawa ng imbistigasyon sa mga personnel nito na nasasangkot sa droga. Ito raw upang malinis nila ang PNP.

Sa babala ni Duterte sa mga PNP personnel nasasangkot sa droga kanya ba talagang gagawin ito? Nagtatanong lang po...

Sabi nga ng mga police officer, nakakabahala naman ang banta o babala ni Pangulong Duterte sa mga ninja cops, at drug dealers...

Talaga yatang lilinisin ni Pangulong Duterte ang bansa sa illegal drugs kahit sa paanong paraan? Nagtatanong lang po....

Bataan ideklarang drug free ng PDEA

Matatandaang ideklara ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)- Central Luzon na drug free ang lalawigan ng Bataan at Aurora.

Noong Sabado, Pebrero 22, isang drug trader ang naaresto ng Orion Police.

Nakumpiska kay Jackson Gregorio,38, ng isang sachet ng shabu sa isang buy-bust operation.

Nakuha pa sa kanya ang limang sachet ng shabu, tatlong plastic ng marijuana leaves at isang calibre 45.

Paano kaya ideklara ng PDEA-Central Luzon at ng Police Regional Office na drug-free ang lalawigan ng Bataan? Nagtatanong lang po...

Ano ang batayan ng PDEA at PRO upang ideklara ang Bataan bilang drug-free? Nagtatanong lang po...

Related Stories

No stories found.
SunStar Publishing Inc.
www.sunstar.com.ph