NITONG Lunes, ideklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Enhanced Community Quarantine sa buong Luzon.

Ang ibig sabihin nito ay lock down hindi lang sa National Capital Region (NCR) na ideklara noon nakaraang linggo ni Duterte maging sa kabuuan ng Luzon.

Kaya naman nitong Lunes, nasa full alert na ang Police Regional Office (PRO)-Central Luzon.

Lahat ng mamamayan ay dapat nasa bahay lamang at hindi pinapayagan muna lumabas ng bahay upang hindi kumalat ang virus.

Isa sa pamilya lamang ang maaaring lumabas ng bahay at kung ang ito ay bibili ng pagkain o gamot.

Noong Martes nang lumabas ang Dateline, wala itong nakitang pampasaherong jeep at ang kahabaan ng MacArthur highway ay maluwag dahil karamihan sa mga dumadaan dito ay mga private vehicles.

Maraming commuters ang nakita ng inyong lingkod na nag-aaabang ng masasakyan patungon sa kanilang mga trabaho at dahil suspendido ang transportasyon walang ni isang pampaseherong jeep lumabas o nagtangkang pumasada.

Nag-deploy naman si Brigadier General Rhodel Sermonia, PRO-Central Luzon director, inatasan nito ang lahat ng provincial at city police directors na magsagawa ng kani-kanilang checkpoints upang ipatupad ang enhanced quarantine sa buong Luzon.

Pagpatak ng 12:01am Martes, nagtayo ng mga checkpoints ang lahat ng mga provincial at city police offices, ayon kay Sermonia.

Umaabot sa 1,500 na PNP personnel ang ideneploy para magpatupad ng utos ni Duterte upang hindi na kumalat o lumalala ang COVID 19, ayon kay PRO3 director.

Dapat lamang na bigyan ng pag-unawa ang mga PNP personnel na nagpapatupad ng enhanced quarantine dahil pinatutupad nila ang batas.

Halos 24-hour magbabantay sa mga checkpoints ang PNP personnel na kung saan matindi ang mararanasan na hirap ng mga ito, ayon pa kay Sermonia.