PAMPANGA

Sapnu: Dahil sa Covid-19, krimen sa Central Luzon bumaba

Dateline: Olivas

NOONG i-deneklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ang enhanced community quarantine sa buong Luzon, malaking “factor” ang ibininaba ng insidente ng krimen sa iba’t ibang bahagi ng lalawigan at lungsod sa Gitnang Luzon.

Hindi lang dahil natatakot ang mga kriminal o kawatan sa virus kundi hindi rin sila nakakalusot sa mga itinayong checkpoints ng Philippine National Police (PNP).

Lahat ng mga provincial at city boundaries sa Central Luzon nagtayo ng mga checkpoint na kung saan binabantayan ito ng mga PNP at ng Philippine Army personnel.

Mahigpit ang ginagawang checkpoints ang mga otoridad upang walang ni isa katao makalusot na hindi residente sa isang lalawigan o lungsod.

Kaya naman lahat ng mga dadaan sa mga checkpoint ay tinutukan ng thermal scanner kung mataas ang kanilang temperatura.

Kung di ka frontliner kagaya ng mga doctor, health workers at iba pang personnel nga nagtatrabaho sa mga hospital hindi ka makakaraan sa mga checkpoints. Maging ang mga cargo trucks na nagdadala ng mga food items o materyales ay pinadadaan din ng mga otoridad.

Kaya naman kung hindi ka kabilang sa mga frontliner, di ka padadaanin ng mga otoridad.

Ito ang malaking “factor” kaya ang mga kriminal o mga kawatan di makalusot sa mga checkpoints,

Ang resulta malaki ang ibinaba ang insidente ng mga krimen sa Central Luzon at maging sa iba pang rehiyon.

Ang Covid-19 pala ang magpapababa ng krimen sa bansa?

Ang tanong po dito, maging ang operasyon ng illegal drugs ay naibsan na rin po ba? Nagtatanong lang po.....

Simula ng lockdown sa Luzon, wala na umano naiuulat ang Police Regional Office-Central Luzon sa kampanya laban sa illegal drugs.

Dahil ba nakatuon ang PNP sa Covid-019? Nagtatanong lang po.....

Mga PNP, Army at health workers ang mga bayani natin sa kasalukuyan dahil sila ang nagbabantay sa pagkalat ng Covid-19. Hindi nila inaantala kung mahawa sila sa virus basta't makapaglingkod lamang ang mga ito sa sanbayanan.

Dapat lamang silang bigyan ng karapatan awards. Di po ba?


VIEW COMMENTS
DISCLAIMER:

SunStar website welcomes friendly debate, but comments posted on this site do not necessarily reflect the views of the SunStar management and its affiliates. SunStar reserves the right to delete, reproduce or modify comments posted here without notice. Posts that are inappropriate will automatically be deleted.


Forum rules:

Do not use obscenity. Some words have been banned. Stick to the topic. Do not veer away from the discussion. Be coherent. Do not shout or use CAPITAL LETTERS!

sunstar.com.ph