PAMPANGA

Sapnu: Mahigit 1,000 violators sa CL naaresto

DATELINE: Olivas

UMABOT sa mahigit 1,000 katao ang inaresto ng Philippine National Police (PNP) sa buong Central Luzon.

Ito ang iniulat ni Brig. Gen. Rhodel Sermonia, Police Regional Office-3 (PRO3) director, na kung ang bilang ng mga violators ay inaresto dahil sa ipinatutupad na Enhanced Community Quarantine or Lock Down.

Ang mga nahuli karamihan nito ay paglabag sa curfew hours na ipinatutupad ng mga Local Government Units (LGUs) sa rehiyon.

Iyong iba naman ay mayron paglabag sa liquor ban, ayon pa kay Sermonia.

Mayroon din mga violators sa mga Checkpoints na isinasagawa ng PNP dahil sa iba’t ibang paglabag ng mga ito.

Lahat ng mga violators ay ni “record” ang kanilang kanya kanyang mga paglabag at pagkatapos ng Enhanced Community Quarantine, sila’y sasapamhan ng kaukulan kaso.

Kaya naman hinihakayat ni Sermonia ang Publiko na makipagtulungan na lamang sa PNP upang hindi na sila masita, masabihan o mahuli.

Hinikayat din ni Sermonia ang kababayan natin na huwag munang lumabas ng bahay upang maibsan ang pagkalat ng COVID-19.

Tatlong katao inaresto dahil sa overpricing

Nitong nakaraang araw, tatlong katao ang hinuli ng mga operatiba dahil sa pagtatago at pagbebenta ng overprice na alcohol sa Barangay kaingin, San Rafael, Bulacan.

Ang mga naaresto ay nakilalang sina Marvin Verdillo, 27, Jose Rafael de Guzman, 36, and John Patrick Enriquez, 32, pawang residente ng nabanggit na barangay.

Nakumpiska sa kanila ang 73 pieces of one liter Isopropyl alcohol.


VIEW COMMENTS
DISCLAIMER:

SunStar website welcomes friendly debate, but comments posted on this site do not necessarily reflect the views of the SunStar management and its affiliates. SunStar reserves the right to delete, reproduce or modify comments posted here without notice. Posts that are inappropriate will automatically be deleted.


Forum rules:

Do not use obscenity. Some words have been banned. Stick to the topic. Do not veer away from the discussion. Be coherent. Do not shout or use CAPITAL LETTERS!

sunstar.com.ph