IN THE spate of news of measles outbreaks across the country, my 30-minute program at DWIZ, which is just a few stairs below the PhilHealth head office in Pasig City, recently ran a full-length discussion on this dreaded disease.

I believe that in doing so, our humble program would be able to help lessen the spread of measles by educating our listeners on this perennial health problem. It is in making people fully aware of the enemy that battles are won, to paraphrase a saying.

Click here for Election 2010 updates

With some 700 confirmed cases (and unfortunately counting as you are reading this) already reported to health authorities, a citizenry armed with the proper knowledge is the way to go because doing right and what is best are second only to properly knowing and appreciating of issues.

So here it goes. I am making this as simple as possible. Para maliwanag at madaling unawain…at gawin:

Ano ba ang measles o tigdas?

Ang measles o tigdas ay dala ng rubiola virus at nagdudulot ng lubhang nakakahawang respiratory infection. Karaniwang lumalabas ito sa panahon ng tag-init at nakakahawa sa pamamagitan ng paglanghap sa droplets sa hangin na may nasabing virus. Kapag ito ay napabayaan ay maaaring magbunga ng kumplikasyon gaya ng pneumonia, encephalitis, pagkabulag, pagkabingi, pagdudumi at maging kamatayan ng pasyente.

Paano malalaman kung tigdas nga ito?

Ang mga dapat na bantayan ay ang mga sumusunod lalo na sa mga bata: ubo, sore throat, sipon, pamamasa ng mga mata, lagnat at full-body rashes na ang kulay ay red-brown na kahawig ng kagat ng lamok at karaniwang nagsisimula sa ulo pababa. Ang lagnat ay maaaring umabot ng 40 degrees kaya bantayan ng mga magulang ang mga bata na hindi magkombulsiyon.

Ang mga palatandaang ito ay makikita mula anim hanggang pitong araw pagkalanghap ng virus.

Ano ang lunas sa tigdas?

Ang susi sa tigdas ay management at sapat na pag-aalaga sa pasyente dahil ang totoo ay wala talagang gamot sa tigdas. Kung may lagnat ay bigyan ng paracetamol kada apat na oras at ang karaniwang pagdampi ng basang tuwalya ay makakatulong para mapababa ang kanilang temperatura.

Makabubuti sa pasyente ang pag-inom ng maraming tubig at sapat na pahinga para hindi makapanghawa sa iba.

Ang pinakamabisang panlaban sa tigdas ay bakuna. Ibig sabihin, wala pa man ay dapat na may immunity na ang ating katawan sa mapanganib na virus ng tigdas.

Mabuti na lamang at masigasig ang DOH sa kanilang door-to-door campaign para mabigyan ng libreng bakuna ang mga kababayan natin sa tigdas. Ito ay libre ring makakamtan sa mga health centers kaya samantalahin po natin ito.

Covered ba ng PhilHeath ang tigdas?

Ang pagpapagamot sa tigdas ay binabayaran po ng inyong PhilHealth. Nuon lamang nakaraang taon (2009) ay nagbayad ang PhilHealth ng humigit-kumulang 8.6 milyong piso sa kabuuang 2,125 kaso ng tigdas sa buong bansa.

Ang tigdas ay itinuturing na ordinary case at nangangailangan lamang ng hanggang tatlong araw na pagkakaratay sa ospital para tuluyang gumaling.

Maaaring magkamit ng hanggang P1,500 para sa room and board; hanggang P4,200 sa mga gamot; hanggang P3,200 para sa mga laboratoryo; at P300 sa professional fee na hindi lalagpas ng P1,200. Ang mga benepisyong ito ay dapat na maibawas sa inyong hospital bill bago ma-discharge sa isang tertiary hospital.

Siyempre, huwag na malimutan ng isang miyembro ang sapat na premium contributions at ang kaniyang updated Member Data Record para walang maging problema sa paga-avail ng benepisyo.

Ngayong Biyernes sa PhilHealth Hataw sa Serbisyo:

* Usapang kababaihan pa rin – kilalanin si Endo at si Metrio sa Buhay ni Eba: talakayan tungkol sa endometriosis na nakaapekto sa kalusugan ng ating mga kabababihan.

* Sa Biyernes na iyan, Marso 26, 10:00 hanggang 10:30 ng umaga sa DWIZ AM Radio 882 KHz. Kasama ko sa nasabing programa sina DWIZ News Director Ely Aligora at Marou Pahati-Sarne.

-----------------

Dr. Aquino’s column appears every Wednesday. Send questions and comments to rbaquino_ssp@philhealth.gov.ph