BAGUIO

Gacad: Konting tawa pero palaisipan

Ziggy Zaggy

ETO ay napulot ko ulit sa social media na maaaring maging palaisipan ngayon:

Mga dapat tandaan habang enhanced community quarantine/lockdown:

1. You are what you eat. Puro sardinas na nga ang ulam natin huwag mong hayaang maging sardinas ka na rin. Isdang wlang ulo, at latang maingay. Puro ka reklamo.

2. Hindi ka ba nainform na mahirap ang bansa natin? Huwag mong hanapin ang tulong na kayang ibigay ng mayayamang bansa sa mamamayan nila. Poor tayo bes. Wag feeling rich kid. May krisis tayo ngayon.

3. Kung may tanim ka sanang gulay kahit sa lata lang o kaya nag-alaga ka ng hayop kahit paano may pagkain ka ngaun. Dapat tik-tilaok. Hindi Tiktok.

4. Huwag kang mayamot sa rasyong bigas kung dati mo nang problema ang pambili ng bigas. Hindi rin kasalanan ng gobyerno kung madami kang anak. Lockdown ngayon, baka dagdagan mo pa. Konting tiis at konting tikis.

5. Dati na tayong mahirap. Hindi kasalanan ng mayayaman kung gutom tayo ngayon at sila may pambili. Huwag mo silang kainisan. Baka dati rin silang mahirap, pero nagsikap. Konting push pa.

6. Malungkot ang pagkamatay mo kung ngayon ka mamamatay. Wala kang magiging bisita, so walang pakape at pasopas. Wala ring videoke sa last night mo na nagtatanong ng “are you having fun?”. Hindi ka na kasi ibuburol, libing or cremate agad. Sad di ba? So huwag matigas ang ulo, huwag na lumabas. Stay at home.

7. Huwag mainit ang ulo. Nasa bahay ka na nga lang di ka naman frontliner kadami mo pang reklamo. Puro mababahong salita pa lumalabas sayo. Pantiliner ka ba?

8. Hindi ka kasamang nagtanim o umani kung marami mang bigas ang mayor mo. Hintayin mong kusang magbigay sayo. Kung meron mag “thank u” ka naman. Problema sayo nabigyan ka na may nasabi ka pa. Unahin mo muna kasi ang pagkain bago ang load mo kumare maghapon ka pang naka Facebook.

9. Bago mag lockdown mataba ka na talaga. Huwag mong gawing excuse ang lockdown, dati ka nang matakaw.

10. Kaya natin ito. Natin, hindi ng gobyerno lang. Natin, hindi ni kapitan at mayor lang. Natin, hindi ng pangulo lang. Tayong lahat ang makikinabang kung paiiralin mo ngayon ang pagiging TAMBAY SA BAHAY. YUn lang ang share mo ngayon sa bansa mo. Ingats!

#CTTO


VIEW COMMENTS
DISCLAIMER:

SunStar website welcomes friendly debate, but comments posted on this site do not necessarily reflect the views of the SunStar management and its affiliates. SunStar reserves the right to delete, reproduce or modify comments posted here without notice. Posts that are inappropriate will automatically be deleted.


Forum rules:

Do not use obscenity. Some words have been banned. Stick to the topic. Do not veer away from the discussion. Be coherent. Do not shout or use CAPITAL LETTERS!

sunstar.com.ph