Sapnu: Dahil sa “mananita” Sinas at lima iba pang Brig. Gen. kinasuhan?

NAGING kontrobersyal ang kaarawan ni Major General Debold Sinas, director ng National Capital Region Police Office (NCRPO) dahil sa paglabag sa ECQ.

Nahaharap sa kasong “criminal and administrative charges sina Sinas, lima pang Brig. General dahil sa birthday party noong Mayo 8 na kung saan maraming nilabag sa pina-iiral na ECQ.

Bukod sa mga general may iba pang mga PNP officers ang nahaharap sa nasabing kaso.

Kinasuhan n ang Philippine National Police-Internal Affairs Service (PNP-IAS) sina Sinas at iba pa dahil sa paglabag sa Protocol sa ilalim ng ECQ lalo na nagkaroon ng pagtitipon nang “hinarana” sa kanyang kaarawan.

Nakita ang kanilang larawan na ipina-post sa website ng Public Information Office na kung saan ang mga bisinita ni Sinas ay kamasang nakaupo sa isang buffet meal na walang suot na face masks.

Sang-ayon sa PNP-IAS ang mga nasabing PNP police officers at iba pang personnel ay nilabag ang Republic Act 111332, or the “Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Health Concern Act,” as well as Taguig City Ordinance No. 12-2020 mandating the wearing of face masks and the observance of physical distancing.

Sa administrative cases naman ay dahil grave neglect of duty as well as less grave misconduct over the birthday gathering.

Bukod kay Sinas ang iba pang brigadier generals na kinasuhan ay sina Nicholas Bathan, Florendo Quibuyen, Florencio Ortilla, Gerry Galvan and Idelrandi Usana.

Walo pang police colonels, a lieutenant colonel, two police majors and two corporals ang kinasuhan ng PNP-IAS.

Ang pagharana sa isang General ay SOP na ito sa PNP kaya raw nagulat si Sinas kung bakit nagkaroon pa “mananita” sa kanyang kaarawan. Hindi raw nito inaasahan.

Noong Lunes, Mayo 11, bumisita si Chief PNP General Archie Gamboa sa Police Regional Office-Central Luzon ito’y bilang sa paglulunsad ng proyekto ni Brig. Gen. Rhodel Sermonia ng “Kalig-Kasan Eco-Park, Food Highway at RektanG Food Bank bilang intervention sa Covid-19.

Sang-ayon sa Intelligence Officer ng Dateline, nagkaroon din paglabag sa social distancing, mass gathering at wearing of face masks sa ginanap ng aktibidades.

Sumakay pa raw sa bangka si Chief PNP at iba pang opisyales na walang social distancing.

Wala lang na-post sa website na mga larawan kaya walang naging kontrobersyal sa pagbisita ni Gamboa sa PRO-Central Luzon headquarters.

Trending

No stories found.

Just in

No stories found.

Branded Content

No stories found.
SunStar Publishing Inc.
www.sunstar.com.ph