Sapnu: Sa kabila ng mga checkpoint, illegal drugs tuloy pa rin

KAHIT na maraming Philippine National Police/Armed Forces of the Philippines (PNP/AFP) checkpoints sa bansa marami pa rin nakakalusot na illegal drugs.

Mukhang di takot ang mga shabu pushers sa kanilang operasyon sa gitna ng enhanced community quarantine o Lockdown dahil lalo yata lumalala pa ang droga?

Sa kabila ng itinayo na mga checkpoint ng Pamahalaan mayron pa rin nanakalusot sa illegal drugs operation.

Ang ibig sabihin nito, hindi gaano nasisita ng mga otoridad kung sino sino ang nagdadala ng pinagbabawal na gamut.

Kaya naman patuloy pa rin ang operasyon ng mga shabu pushers sa kanilang operasyon.

At nitong Martes lamang, umaabot sa isa at kalahating kilogram ng shabu na may street value na P12.5 milyon halaga nakumpiska ng magkasanib ng Olongapo City Police Intelligence branch, Olongapo City police Drug Enforcement Unit sa isang buy-bust operation sa Balic-Balic, Barangay Sta. Rita.

Apat na drug suspects ang nahuli ng mga otoridad na sina Archie Boy Usenar ng Balic-Balic; John Mark Serica, Jeff Dennon Rivera De Guzman at Michael Salac, pawang ta1ga Gordon Heights, Olongapo City.

Maging sa lalawigan ng Bulacan halos 10 katao ang nahuli ng mga otoridad sa makakahiwalay na buy-bust operation, noong nakaraang linggo.

Tatlong drug suspects din ang namatay matapos makipagpalitan ng putok sa mga otoridad.

Sa Nueva Ecija, isang drug suspect nakilalang si Wilson Carano ang nasawi sa isang buy-bust operation sa Barangay Sto. Nino 3rd.

Batay sa police report, patuloy pa rin ang operasyon ng illegal drugs sa Central Luzon sa gitna ng mga itinayong checkpoint sa bawat boundary ng lalawigan.

*****

Binabati ng Dateline si Col. Oscar Jacildo sa kanyang bagong puwesto bilang chief of police ng Makati City.

Noong Mayo 22, naupo si Jacildo at nitong Martes isang underground hospital ang kanyang nadiskubre.

Si Jacildo ay siyang dating chief ng Regional Community Affairs and Development (RCADD) PRO3 bago ito naupo sa Makati City Police.

Congrats colonel!

Trending

No stories found.

Just in

No stories found.

Branded Content

No stories found.
SunStar Publishing Inc.
www.sunstar.com.ph