Sapnu: PNP frontliners, 298 Covid-19 infected na

MARSO 12 nang ideklara ni Pangulong Digong Duterte ang bansa na sa ilalim sa Enhanced Community Quarantine (ECQ), nagsimula na rin ang Philippine National Police (PNP) personnel mag-duty sa mga checkpoint.

Halos 24/7 ang mga ito ginagampanan ang kanilang trabaho sa pag-check sa mga kababayan natin na lumalabag sa ECQ.

Aabot sa 75 porsiento ng PNP force ang itinatalaga sa iba't ibang checkpoint sa bansa, ito'y matinyak na walang makakalabas sa kanilang bayan, lalawigan o lungsod.

Kung maari walang lalabas ng bahay at stay home muna para di na kumalat ang Covid-19.

Mahigit na dalawang buwan nagbabantay sa mga checkpoint ang mga PNP personnel at karamihan sa kanila ay di na rin umuuwi sa kanilang pamilya.

Tinitiis nila ang init at pakikipaglaban sa kanilang kalaban na di nila nakikita.

Ang sabi nga ng ilang police officers sa Dateline, ang Covid-19 virus ang mahirap nilang naging kalaban dahil di nila nakikita.

Kaya naman sa kanilang naiibang duty, umaabot na sa 298 ang tinamaan ng virus simula ng Lockdown.

Sa nasabing bilang, mayron naman 147 ang nakarekober sa virus, samantalang apat na pa rin namamatay.

Umayat naman sa 1,318 PNP personnel ang minomonitor nang makitaan ng sistomas ng virus.

Ganito kahirap ang trabaho ng PNP personnel kasalukuyan dahil sa Covid-19.

Ang Dateline ay saludo po sa PNP organization sa kanilang ginagawang naiibang trabaho o pakikibaka sa Covid-19.

Mabuhay po kayo!

Trending

No stories found.

Just in

No stories found.

Branded Content

No stories found.
SunStar Publishing Inc.
www.sunstar.com.ph