Sapnu: Illegal drugs operation patuloy sa kabila ng mga checkpoints?

MUKHANG di napapansin ng Philippine National Police (PNP) ang patuloy na operasyon ng illegal drugs sa Central Luzon dahil marami pa rin ang nakakalusot.

Sa kabila ng maraming Checkpoints itinayo ng PNP dahil sa pagmonitor sa Covid-19 mula noong Marso, mayron pa rin bentahan ng shabu sa iba't ibang lalawigan at lungsod ng Central Luzon.

Batay sa report ng PNP, halos sa lahat ng lalawigan sa rehiyon mayron pa rin operasyon ng illegal drugs.

Hindi na rin mabilang ang mga nahuhuling shabu pushers/users kahit mayroon mga checkpoints.

Mayroon din mga shabu pushers napapatay dahil lumaban sa mga operatiba.

At noong Mayo 27, umaabot sa P12.5 million halagang shabu ang nakumpiska ng mga otoridad sa isang buy-bust operation sa Barangay Sta. Rita, Olongapo City.

Sang-ayon kay Col. Eric Noble, Deputy Regional Director for Operations, sa nasabing operasyon, apat na suspek ang nahuli ng Olongapo City police na sina Archie Boy Usena; John Mark Serica; Jeff Dennon Rivera; at Michael Salac, pawang taga Gordon Heights ng naturang lungsod.

Nakumpiska sa mga suspek ang 39 sachets ng shabu na tumitimbang ng 1 at 1/2 kilograms nagkakahalagang P12.5 million.

Nitong nakaraang Hunyo 4, umaabot naman sa P5.2 billion halaga nakumpiskang shabu sa isang anti-illegal drugs operation sa Barangay Lias, Marilao, Bulacan.

Isang Chinese national na si Yuwen Cai,53, at dalawa nitong kasama na sina Angela Mileo Tulio, 38 at Ma. Lyn Tulio, 23, pawang taga Tondo, Manila ang naaresto sa nasabing buy-bust operation, ayon pa kay Noble.

Umaabot sa 757 kilograms suspected shabu na nagkakahalaga P5,140,800 ang nakumpiska ng mga otoridad.

Batay sa mga report ng PNP, mukhang tuloy tuloy ang illegal drugs operation sa Central Luzon at sa iba pang bahagi ng bansa sa kabila na ipinatutupad na Enhanced Community Quarantine, Modified Community Quarantine at General Community Quarantine.

Kahit na mahigpit ang ipinatutupad sa mga checkpoint ng PNP, bakit kaya nakakalusot pa rin ang illegal drugs operations?

Trending

No stories found.

Just in

No stories found.

Branded Content

No stories found.
SunStar Publishing Inc.
www.sunstar.com.ph