Mendoza: Message of hope amidst pandemic

Mendoza: Message of hope amidst pandemic

THE entire nation is celebrating the 122nd Philippine Independence Day this year where more people are at home due to the various levels of community quarantines being implemented depending upon the severity of risk or none at all to the dreaded Covid-19 disease that wreaked havoc not only in the country but in the entire world.

This Independence Day, DepEd Secretary Leonor Magtolis Briones wishes for an independent nation that is united against its fight versus the pandemic and all other challenges that Filipinos are facing bravely.

Secretary Briones even confided her experience being a Covid victim herself which made her appreciate all the more how precious life is, how precious freedom is, both at the personal and national levels.

The DepEd Chief continued that she appreciated how important it is that all of us should contribute to seeing to it that our independence will be sustained, maintained and protected including our personal independence from disease, from ignorance, and from many of the challenges that we, as humans and as Filipinos face.

Below is the official message of Secretary Briones for the 122nd year observance of the Philippine Independence Day:



Mensahe Para Sa Araw Ng Kalayaan 2020. Ang buong Kagawaran ng Edukasyon ay nakikiisa sa sambayanang Pilipino sa pagdiriwang ng ika-122 Araw ng Kalayaan ng Pilipinas. Mula sa ating mga bayani na nagsigasig na makamtan ang kalayaan ng ating bansa, kami sa Kagawaran ay sumasaludo sa ilang salinlahing Pilipino na nagtaguyod ng ating mayaman na kasaysayan.

Sa paglipas ng panahon, pinapatunayan natin na ang ating kasarinlan ay susi ng ating pagkakabuklod-buklod, sa anumang hamon o sakuna. Tayo ay nahaharap ngayon sa isang pandaigdigang krisis dahil sa pandemyang Covid-19 ngunit hindi ito hadlang para ipakita ang diwa ng malayang sambayanan – ang patuloy na pagbibigay ng pag-asa.

Nariyan ang kwento ng mga medical workers na walang sawa at higit pa ang ibinibigay na paglilingkod mabigyan lamang ng tamang aruga ang mga maysakit. Kasama rin ang mga kwento ng katapangan mula sa mga response team at volunteer na tuloy ang pag-abot ng tulong sa mga nangangailangan.

At mula sa Kagawaran, ang ating mga bayaning guro na laging handang magbigay ng kanilang serbisyo upang hindi mahinto ang pagkatuto ng ating mga anak sa gitna ng pandemya.

Ang mga makabagong bayaning Pilipino ay patuloy na sumasagot sa hamon ng panahon. Ang nakararami ay handang tumulong sa kabila ng mahirap na sitwasyon.

Nawa’y maging tanda ang araw na ito upang magpunyagi pa tayo sa pagkamit ng pagkakaisa at pagtutulungan ng sambayanan tungo sa magandang bukas. Sa isip, sa salita, at sa gawa, itaguyod at ipagpatuloy natin ang pagbabayanihan tungo sa malaya at ligtas na bansang Pilipinas.

Mabuhay ang sambayanang Pilipino! -Secretary Leonor Magtolis Briones

Trending

No stories found.

Just in

No stories found.

Branded Content

No stories found.
SunStar Publishing Inc.
www.sunstar.com.ph